“Galit ka ba sa’kin Lilith?” Malumanay na tanong ni Rowena sa dalaga nang magkausap na sila. Nasa palengke ang dalawa matapos maagang magpasama sa kaniya ang Ginang upang mamalengke sila. Ang nais talaga nito kaya siya sinama ay magkasarilinan silang magkapag-usap at iyon na nga. Nasabi na nito sa dalaga. Kabababa lang nila ng jeep at papunta na sa bilihan ng mga gulay nang itanong iyon ng Ginang at habang naglalakad ay panay ang linga ni Rowena sa dalaga upang tignan ang reaksyon nito. “Bakit naman po ako magagalit?” balik ni Lilith na tanong sa Ginang. Huminto si Rowena sa isang puwesto ng mga nantitinda ng gulay at namili ng mga okrang maliliit at hindi pa magulang. “Hindi nga? Hindi ka galit?” ulit nito at halatang hindi naniniwala. Nilapit pa ni Rowena ang mukha niya mukha ni Li

