"Gutom na 'ko. Saan ba masarap kumain dito sa probinsiya n'yo?" tanong ni Mav habang nagmamaneho. Palingun-lingon din ito sa paligid, nagbabakasaling makatanaw ng restaurant. "May alam akong karinderya na masarap ang pagkain. Hindi ko lang alam kung nandoon parin sila ngayon. Malapit lang naman, liko ka r'yan sa kaliwang kanto," ani Lilith. Lumiko nga si Mav sa kantong tinuro ni Lilith. Sunod ay sa kanan naman. Dumiretso at maya-maya'y isang liko pa sa kanan. "Nandiyan pa sila!" masayang bulalas ni Lilith nang makita ang karinderyang sinasabi niya. Tinuro niya kay Mav alin sa mga karinderyang napakarami't isang hilera lamang sila. "Alin ba d'yan?" takang tanong ni Mav. Napakarami kasi, malay ba niya kung alin sa mga kainang naroon ang tinutukoy nito. Hindi niya alam kung saan siya hih

