Lilith's Point of View Tama nga ako, kamag-anak ko ang may gawa. Hindi ko akalain na hahatong sa ganito ang lahat. Na aabot sa barangayan. Pinadalhan na ng summon ang tatlong pinangalanan ng dalawang nahuli at pinapapunta sila sa barangay sa lalong madaling panahon upang linisin ang mga pangalan nila. Vandalism daw puwedeng ikaso sa kanila. Wala naman daw sinira ang mga ito, nandumi lang ng puntod ngunit umapila si Mav bigla na labis kong ikinagulat nang sobra. May ipinakita siyang litrato sa cellphone niya. Hindi ko makita mula sa kinatatayuan ko kaya di ko masabi kung ano. Pinagpasapasahan nila ang cellphone at pagkatapos ay tinignan nila ako. "May witness po ba kayo na sila ang may gawa?" tanong ng Kapitan kay Mav. "Ako po Kap. Nandoon ako mismo at ako ang nakakita sa kanilang apat

