Pakiramdam ni Lilith ay para bang sasabog na ang utak niya sa dami ng pinapa-research sa kanila. Iba-iba kada-linggo at parami nang parami habang dumadaan ang mga buwan. Pahirap nang pahirap rin ang mga pinapaluto na para bang pinapaikot sila sa iba't-ibang mga bansa upang pag-aralan ang mga iyon. Ngayong araw ng Sabado ay pinag-aaralan naman niya kung paano gumawa ng Ramen. Ang noodles daw ay kailangan homemade at bukod sa mga rekado, kailangan lahat ng halo ay gawa na nila. Mula sa broth, sa sauce at ang noodles. Maging kung paano iluluto ang itlog na nilaga na ilalagay sa ibabaw na dapat hard boiled ang puti at ang dilaw sa loob ay di gaanong luto. Jusmiyo! Napakaraming dapat alalahanin at gawin. Hindi biro ang ramen. Naisip niyang gumawa ng maraming Ramen noodles para ilalagay na l

