Isang round table na may puting telang ginawang mantel ang naroon na kanilang nadatnan. May dalawang eleganteng side table na hindi nila alam saan nakuha dahil hindi naman ganoon ang mga upuan sa loob ng restaurant. Nilagyan ng dekorasyon ang paligid. May talulot ng bulaklak sa mga damong kanilang nilalakaran. Sa gitna ng lamesa ay may tatlong kandilang may mga sindi at nakalagay magkaharap ang dalawang plato at pares ng kutsara"t tinidor na magkatabi. Pinaupo na sila ng tauhan ni Jessis na nagdala sa kanila roon. Pasimpleng napapangiti si Lilith sa nakikita sa paligid. Kakain lang ng ramen ang pakay nila pero nagawa pang ipaayos ang lugar para sa kanilang dalawa. Pakiramdam niya tuloy nalulusaw ang puso niya at kinikilig. Lalo na't unang beses niyang mararanasan ang ganoong klaseng dat

