Unang araw na ng klase kaya naman maagang gumising si Lilith para maghanda. Sa sobrang excited niya ay naunahan niya pa ang pagtunog ng alarm at kahit patul-putol ang tulog niya'y masigla pa rin siyang bumangon at nagprepera. Ilang beses siyang nagising sa kalagitnaan ng pagtulog dahil sa kakahintay mag-umaga. Agad naman siyang nakatulog matapos nilang mag-usap ni Mav kaya mahaba-haba na rin ang naitulog niya at may lakas na't sapat na pahinga para sa panibagong araw. Masaya ang puso niya at natutuwa nang husto dahil totoong makakapag-aral na talaga siya. Pangarap niya kasi talagang makabalik sa pag-aaral kaya naman halos walang mapagsidlan ang tuwang kaniyang nadarama. Pakanta-kanta pa habang naliligo at habang naghahanda ng kaniyang agahan. Bago umalis ay nilinis niya muna at pinak

