83 Tapos na ang huling klase ni Lilith para sa unang araw. Pauwi na sila ngunit bumuhos naman ang malakas na ulan kaya napatambay muna siya sa waiting shed kasama ng gaya niyang wala ring mga dalang payong. Nakita niya ang kapatid ng ex niya na kaklase niya sa lahat ng klaseng mayroon siya ngunit wala naman sa kaniyang kaso iyon. Ang iniisip niya lang ay baka magkrus pa ang landas nila ng ex niyang ayaw na niyang makita pang muli. Ilang minuto na siyang naroon ngunit hindi pa rin tumitila ang ulan. Mas lumakas pa nga at sa kinatatayuan niya'y unti-unti na siyang nababasa ng anggi. Wala namang bagyo ayon sa balita. Makulimlim lang kaninang umaga sa maliit na parte ng kalangitan ngunit maaraw. Lahat nga halos sila sa klase ay walang mga payong na dala. Pati ang guro nila ay wala ring nad

