Papasok na sa eskwelahan si Lilith. Gaya kahapon ay inagahan niya nanaman. Walang paglagyan ang saya na kaniya pa ring ramdam. Nagagalak pa rin nang husto kahit iyon na ang ikalawang araw. Naisip niyang agahan ulit upang makausap ang kapares niya sa kanilang matching activities na darating. Ang ipinares siya sa isang middle age niyang kaklaseng babae at kahapon ay nakilala na niya. Ang pangalan nito'y Melinda. Kasal na raw siya at labinlimang taon na silang kasal. Late na raw kasi itong nakapag-asawa. May tatlong anak na sila at naisipan nilang pareho na pag-aralin siya muna upang madagdagan ang kaalaman niya sa kusina. Sa edad niya raw kasi ay kaunti lang ang alam niyang mga putahe at ang ulam nila ay paulit-ulit lang at nagsasawa na ang mga anak niya. Gustong-gusto rin naman niyang ma

