“O-okay po Tita,” agad na tumalima si Lilith nang marinig sa Ginang na nariyan na ang tour guide at binalikan na sila. Kinuha agad ni Lilith ang ilan sa mga gamit na dadalhin niya sa kanilang camping. Nagbaon na siya ng jacket bilang proteksyon sa lamig mamayang gabi dahil alam niyang malamig ang hangin doon dahil malapit lang sa pampang. May tent naman pero Mabuti na rin na magdala siya. May kumot at unan naman daw na kasama sa tent pero iba pa rin ang handa, hindi ba? “Ate?” tawag ni Janina kay Lilith na halatang umiiwas sa tanong nito. “Lika na baba na raw tayo,” yaya niya sa bata at nauna na siyang lumabas. Pumunta muna siya sa silid ng mag-asawa titignan kung may dadalhin at tama nga siya dahil ang babaunin nila ay naroon pa. Sinundan siya ni Janina. Siya nama’y pakunyaring busy

