"Hindi ako sang-ayon sa totoo lang Lilith. Iyo kasi ang mga iyon at may karapatan kang higit kesa ninuman sa kanila. Kahit pa marami sila at isa mo lang, ang mga dokumentong hawak mo ay sapat na at makapangyarihan," wika ng Ginang matapos marinig ang nais ng dalaga na ibigay na lamang sa mag kamag-anak niya ang dalawang titulong kaniyang hawak. "Alam ko naman po na malaki ang laban ko kung hawak ko po ang mga ito pero iniisip ko po kasi kung ano po ang mas makabubuti, kung ano po ang gusto ng Tiyahin ko na gawin ko. Ang bukid po na napakalaking iyon, kahit hirap na po siya hindi niya pa rin naisip na ibenta dahil alam n'yang iyon lang po ang pinaagkukunan ng mga kapatid niya po't ibang mga kamag-anak. Kapag nawala po sa kanila iyon, tiyak na magugutom ang mga batang anak po nila. Wala pa