Araw ng Linggo, araw ng pahinga rin sana ngunit heto at ang agang nagising ni Lilith. Nag-set siya ng alarm nang gabi bago siya natulog at bumangon ilang minuto matapos siyang gisingin ng alarm at makalipas ang pagmumuni-muni. Nagising siyang may malawak na ngiti sa labi. Pakiramdam niya'y nakadampi pa rin ang mga labi ni Mav sa kaniya mga labi at mahigpit na nakayakap hanggang sa kanilang pagtulog. Para siyang nakalutang nang umagang iyon at walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman. Gumising siya ng maaga upang mamalengke. Susubukan na niyang magluto ng ramen at i-a-apply ang mga tinuro ng chef sa restaurant ni Jessie. Si Mav, nahihimbing pa nang mga oras na iyon at kapansin-pansing nakangiti pa rin ito kahit tulog at nakadapa at nasa subsob ang mukha sa unan. Nag-scooter na siya

