"Ready? Set! Go!" sigaw ng babaeng host ng sa baby shower na kanilang dinaluhan. Ang palaro nila ay pabilisan maubos ang tsokolate na nilagay sa loob ng table napkin na kunwari ay lampin. Isang lalaki ang unang nakaubos at tuwang-tuwa nang kunin ang premyo niyang smart watch na mula kay Jessie. "This one is expensive! Thanks Jess!" pasalamat niya sa buntis na kaibigan. "You're welcome," sagot naman nito at pinanood ang nanalo na buksan ang kahon at isuot na ang mamahaling smart watch na kaniyang napalanunan. "Grabe bro! Iba na talaga magaling dumila!" kantiyaw ng isang lalaki sa nanalo na pinapasikat ang relo niya. "Yeah, so if you need advice just come to me and I'll explain to you just as easy as one two three." pagmamayabang naman nito at nagpogi sign pa't nginitian ang asawa niyang