Ilang oras pa bago sila makarating sa Olongapo, late na at pareho na silang inaantok at pagod. Ilang beses ng nakita ni Lilith na humikab si Maverick at siya rin ay hindi na mabilang kung ilan. Ayaw niya namang matulog habang ito ay mag-isang gising at nagmamaneho. Nagtiis pa siya ng ilang minuto at nang hindi na makatagal ay saka siya nagsalita. "Itabi mo kaya muna Mav? Idlip ka muna, huwag mong pilitin mag-drive habang inaantok. Baka mabangga tayo." suhestyon ni Lilith. Natatakot rin siya na baka mamaya bigla na lamang itong mapapikit at makaidlip, paano na sila? "Umaga na tayo makakarating sa Gapo kapag umidlip ako." sagot nito at muling humikab pagkatapos sabihin ito. "Ano ngayon kung umaga na? Mas mabuti na na ma-late sa trabaho bukas at hindi na makatulog ng mahaba-haba kesa nama