Hindi nadala ng pagpapa-cute ni Rowena ang kanyang anak. Ilang beses niya itong kinulit upang magbihis ng pormal para sa isang litrato kasama ni Lilith. Pinagpatuloy lang ni Maverick ang paghuhugas ng plato habang ang kaniyang ina at kapatid ay sige lang sa pagpilit sa kanya. Nakatayo lang sila sa tabi niya hanggang sa matapos siya sa ginagawa. "Sige na anak! Pagbigyan mo na 'ko." Pilit ni Rowena. Ayaw pa rin sumuko nito kahit ilang beses ng sinabi ni Maverick na ayaw niya. "Ma naman!" Pagmamaktol ni Maverick. Nakukulitan na siya ng sobra sa dalawa at nanghingi na siya ng tulong sa kanyang Papa na nakatayo lang malapit sa hagdan kung nasaan si Lilith. Ayaw niya talaga ang ideyang naisip nito at nahihiya na siya kay Lilith dahil mukhang hindi ito natutuwa sa ginagawa ng kanyang ina at