Lilith's Point of View Natapos na ang picture taking ay nagpaalam na ako. Pinagpipiyestahan na nilang tignan ang mga kuhang litrato. Nangako sila sa akin na bibigyan ako ng kopya kaya naman hindi na ako nakigulo upang tignan ang mga kuha sa kamera ni Tito. Naiilang pa rin ako. Hindi ko inasahan ang ginawa ni Maverick. Halata naman sa kanya na sinakyan niya lang ang trip ng Mama at kapatid niya ngunit hindi ang hatid sa akin. Dinikit niya sa noo ko ang noo niya at saka may binulong. Sabi niya ngumiti raw ako kasi mas bagay sa'kin. Hindi ko alam kung mapapangiti o matatawa sa sinabi niya. Iyong ekspresyon sa mukha ko ay iyon bang bahala na. Hindi ko alam kung anong itsura namin sa mga litrato. Excited akong makita at ipapa-frame ko at idi-display sa apartment ko. Umakyat na si Maverick