Lilith's Point of View "May hindi ka ba sinasabi sa'kin?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Marites sa tabi ko habang nakatayo ako kasama ang ibang mga katrabaho namin sa labas ng pabrika habang naghihintay na dumating ang magbubukas at kung kailan kami papapasukin. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil halos lahat naman ng bagay na tungkol sa akin ay siya halos ang una at siya lamang ang nakakaalam ng karamihan. "Anong pinagsasabi mo r'yan?" Takang tanong ko sa kanya dahil wala akong kaide-ideya sa kung ano ang tinutukoy niya. "May nakakakita raw sa iyo kanina ate girl na bumama mula sa kotse. Pinagtsitsismisan ka nila sa likod ko di mo pa alam. Tapos kahapon daw may sumundo sa'yo. Aba ineng! Ako yata ang huli sa mga nagbabagang tsismis ngayon ah. Share mo naman." Walang preno niya