Kabanata 3

1662 Words
Matapos magbihis ay nagmadaling umalis si Lilith ng kanyang inuupahan. Dumiretso siya kina Aling Helen upang kunin ang scooter na doon niya lagi ginagarahe. Nasa ikalawang palapag pa kasi ang apartment na inuukupa niya at wala naman siyang pag-iiwanan sa unang palapag na maaring niyang pagkatiwalaan. Mabigat naman para buhatin paakyat ng hagdan kaya nakiusap siya sa nanay ni Marites kung pwedeng iwan iyon roon at pumayag naman ito dahil hindi naman na siya iba sa kanila. Kaibigan naman niya si Marites at halos dalawang taon na rin silang magkasama sa trabaho. Nasa pinakakanto sa lugar nila ang bahay nila Aling Helen at may gate na mataas kaya tiyak niyang walang ibang kukuha ng mumurahin at palyado niyang scooter ngunit kahit ganoon iyon ay tumatakbo pa at ang siyang katuwang niya sa sa paghahanapbuhay. "Tao pooo! Tao po!" Tawag ni Lilith mula sa gate nang marating na niya ang kanilang bahay na sinabayan pa ng pagkatok ng susi niya sa bakal na gate ng mga ito. Tinahol siya ng aso nila at maya-maya lang ay lumabas na si Aling Helen mula sa likod-bahay. Nagpupunas ito ng kamay sa bimpong hawak at nakangiti siyang pinagbuksan ng gate ng Ginang. "Pasok ka Lilith." Yaya nito sa kanya pagbukas niya ng gate ngunit hindi agad pumasok ang dalaga dahil nariyan ang aso nila at tinatahol siya. "Kumain ka na ba?" Tanong ng Ginang sa kanya habang tinaboy ang kanilang aso palayo dahil alam niyang takot ang dalaga sa aso at minsan na siyang nakagat noong bata siya. Hinila niya ang gate pasarang muli dahil sa sobrang takot at upang hindi siya malapitan nito dahil inikutan niya lang ng aso ang Ginang at alam niyang gusto siyang lapitan nito. Hindi naman nangangagat ngunit natatakot pa rin siya dahil baka bigla siyang sakmalin. Itinaboy muli ni Aling Helen ang aso at nagkunwaring kukunin ang suot na tsinelas upang panakot at doon lang ito tumakbo palayo. Bumalik na sa likod ng bakuran nila. Nang masiguro ni Lilith na di nga talaga babalik ay saka lang siya pumasok sa loob at mabilis na hinila palabas ang scooter niya. "Naghahapunan na kami, kain ka kaya muna bago ka pumunta sa trabaho mo?" Habol ni Aling Helen sa dalaga. "Hindi na po, sa ibang araw na lang po Tita. Salamat po." Tanggi nito. Pinarada niya muna ang scooter sa labas at bumalik upang isara ang naiwang bukas na gate. Hinila niya lamang pasara at si Aling Helen na ang nag-lock mula sa loob. Lagi siya nitong inaalok na kumain sa kanila ngunit lagi niyang tinatanggihan, bukod sa malalate kasi siya ay nahihiya rin siyang makikain sa ibang bahay kahit pa kaibigan niya ang mga ito o katrabaho pa. Nagpaalam na siya sa Ginang at umalis bago pa magalit ang may-ari ng tindahang pinatatrabahuan niya sa gabi. Mabilis naman niyang narating ang tindahan at kasalukuyan pa lamang itong nagluluto ng ide-deliver niyang pagkain. Mrami pa raw itong iluluto kaya naman tinulungan na niya ito para mabilis silang matapos. Karamihin ng mga dinadalhan niya ng ulam ay mga bahay ng mga pamilyang wala ng oras sa paghahanda ng hapunan dahil nanggaling pa sila sa trabaho at pagod na para magluto pa. Tinulungan niya itong maglagay ng mga lutong ulam sa mga mga plastic container at siya na rin ang nagsulat ang takip ng pangalan gamit ang marker para madali niyang maibigay at malaman kung para kanino ang bawat isa. Nang matapos ay nilagay na niya sa basket ng kanyang scooter at ang iba'y sa compartment. Matapos masecure ay saka lamang siya lumarga. Kapag naideliver na niya lahat ang mga ulam ay pwede na siyang umuwi. Madalas naman ay magkakatabing bahay lang ang dinadalhan niya kaya naman mabilis siyang natatapos. Sa halos dalawang oras na paghatid ng mga ulam ay kumikita siya ng tatlong daang piso. Malaki na rin kung tutuusin dahil sandali lang naman ang trabaho. Ang kita niya roon ay siya nang panggastos niya sa araw. Pamasahe at pagkain sa pang-umagang trabaho. "Salamat, bukas ulit." Usal ng isa nilang suki matapos niyang madala ang order nilang ulam. Naubos na ang laman ng basket at compartment niya at pabalik na siya sa tindahan para ibigay ang kinita. Inabot na rin ng may-ari sa kanya ang hapunan niya, dalawang putahe ng ulam na natira at kanin. Gabi-gabi ay ganoon ang eksena. Iuuwi na lamang niya sa kanyang apartment ang pagkain at doon lalantakan iyon. Kapag ginanahan naman siya't kulang ang bigay na kanin sa kanya ay madalas may tira pa sa kanyang maliit na rice cooker kaya naman hindi siya nabibitin. Maliit siya at payat pero malakas kumain. Mabilis kasing matunaw ang kinain niya dahil lagi siyang pagod sa araw-araw. Day off niya kinabukasan sa pabrika at naisipan niyang mamalengke ng gulay, panay karne na kasi ng kinakain niya nang nagdaang mga araw dahil sa mga Ulam na galing sa pinapasukan niya sa gabi. Nakaipon na siya ng mahigit limang daan, tira niya sa araw-araw. Itinatabi niya para may pang grocery siya. Binuksan niya ang TV habang nagsisipilyo ngunit walang magandang palabas. Maingay rin sa kabilang apartment, nag-aaway nanaman ang mag-asawang kapitbahay niya. Pinatay niya na alang ang TV at tinapos ang pagsisipilyo, naglinis ng katawan at pumasok na sa kanyang kwarto. Pagod na pagod ang katawan niya ngunit kailangang kumayod at ang day off niya lamang sa pabrika ang pinakapahinga at mahaba niyang tulog. Walang dapat sayanging segundo kaya ipinikit na niya ang mga mata at hinayaan hilain ng antok at hapong katawan. Alas nuwebe trenta na ng umaga nang magising siya. Nakailang hikap pa ito bago tuluyang bumangon at nagtungo sa banyo. Nagkape pa siya kaya naman mag-aalas dyes na ng umaga na siya nakaalis ng bahay. Malayu-layo ang palengke, imbes mamasahe ay ang kanyang scooter na ang kanyang ginamit. Ilang minutong byahe rin bago marating ang palengke. Wala namang gaanong tao dahil malapit na mananghali, kadalasan maaga ang mga mamimili sa lugar na iyon ngunit mas mura kapag pahapon na dahil paalis na sila at nagliligpit na. Naging sulit ang limang daang piso niya sa daming gulay niyang nabili, ng ibang may kaunting damage ay nilibre na nila sa kanya. "Naku ano pa bang kulang!?" Nadinig ni Lilith na wika ng isang Ginang sa isang tindahan ng prutas. Mukhang natataranta ito. Kaunti lang naman ang bitbit nitong pinamili kumpara sa kanya, karamihan ng dala ay prutas. "Salamat po." Wika ni Lilith sa nagtitinda ng gulay matapos niyang isilid sa plastik ang mga pinabili niya. Inabot na niya rin ang bayad at akma ng aalis ngunit nadinig niya ang pag-aray ng isang babae di kalayuan sa kanya. Natapilok ang Ginang na namimili ng prutas matapos maling matapakan ang di kalalimang hukay sa gilid ng binibilhan niya ng prutas. Mukhang hinukay ng alaga aso nila. Nakatingin lang ang mga tao at pinapanood lang siya. Mukhang hindi ito makatayo dahil sa sakit na iniinda. Lumapit si Lilith sa Ginang, iniwan niya muna ang mga pinamili sa tindahan ng gulay at ibinilin muna sa tindera sandali ang mga pinamili. "Tulungan ko na po kayo." Anya at inalalayan itong tumayo. Nakatayo naman ngunit hindi nito maiapak ang natapilok na paa sa lupa. "Na-sprain po yata ang ankle niyo ma'am. Mas mabuti pong dalhin na natin sa ospital para po matignan." Wika niya sa Ginang na tinulungan. "Naku huwag na, baka maabala pa kita." Tanggi ng Ginang ngunit pinilit niya ito dahil unti-unti na itong namamaga. Binalikan niya lang ang pinamili at siya na rin ang nagbitbit ng mga binili nito habang akay-akay niya sa paglalakad. Nilagay niya ang mga binili nila sa basket ng kanyang scooter at inangkas niya ito papuntang ospital. Halos isang oras rin silang naghintay dahil busy ang mga doktor at nars. Mas inuuna kasi nila ang mga emergency cases at meron daw inooperahan nang mga oras na iyon. Nakaupo ang Ginang sa wheelchair habang naghihintay sila at upang hindi maboring ay nagkwentuhan silang dalawa. Tinanong ng Ginang ang pangalan niya, edad at kung saan nakatira. Ang dami nitong tanong at halos buong buhay ni Lilith ay inalam ng Ginang. Nalaman niya rito na hindi kalayuan sa kanila ito nagrerenta ng apartment hindi nga lang niya naitanong kung saan eksakto ang address nito dahil tinawag na sila ng nars. Matapos ang x-ray at matignan ng doktor ay pinayuhan siyang i-cold compress ang paa upang maampat ang pagmamaga. Matapos masahihin ng doktor bahagya ang paa nito at ibalik ang nalihis na ugat at lagyan ng balot. Binigyan siya ng reseta at nang matapos ay pinayagan na silang makauwi. Dama ng Ginang ang kirot. Mas lalong kumirot noong minasahe ito, normal lamang daw iyon at mawawala rin. Tanghali na iyon at pareho na silang gutom. Nagpresinta si Lilith na ihatid na ang Ginang sa kanila dahil on the way lang naman daw ito papunta sa tinutuluyan niya. Tatanggi pa sana siya ngunit naawa si Lilith na iwan ito roon mag-isa lalo pa't wala raw itong pwedeng tawagan sa bahay nila para sunduin siya. Nasa trabaho raw ang asawa't panganay niyang anak at ang bunso naman ay pumasok na school. Nang marating ang bahay ng Ginang ay bahagyang namangha si Lilith sa laki ng bahay nito. Nasa pinakadulo iyon ng mga nakahilerang iba't-ibang kulay na apartment at ang bahay ng Ginang ang pinakamalaki sa lahat. Inalalayan niya itong makababa ng scooter hanggang sa pagpasok sa bahay. Nagpahatid ito sa sofa at pinaupo niya ito roon, binalikan niya ang mga prutas na binili ng Ginang at nakiusap ito sa kanya na dalhin na sa kanilang kusina at kung maari sy ipagkuha siya ng yelo sa loob ng ref at tubig na rin na maiinom. Sinunod niya naman ang sinabi nito at tinungo ang tinuro nitong daan papuntang kusina. Kumuha siya ng baso at pitsel sa loob ng ref. Nanguha rin ng mangkok at nagkalas ng mga ice cubes. Bitbit niya na ang mga pinakuha ng Ginang at pabalik na sa sala ngunit isang higanteng mabalbon ang dibdib at tuwalya lang ang saplot ang humarang sa daraanan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD