Kabanata 4

1613 Words
Natabig ni Lilith ng kanyang braso ang mabalbong dibdib ng taong bigla na lamang sumulpot sa kanyang harap. Nanigas siya bigla sa kinatatayuan at di na namalayan na nahulog na sahig ang lahat ng mga bitbit niya at nagkalat na sa sahig ang mga maliliit na piraso ng nabasag na bloke ng yelo. Matinding kilabot sa buong kalamnan ang hatid nito sa kanya at hindi niya alam kung anong gagawin nang mga oras na iyon. Hindi alam kung saan titingin dahil nasa harap niya pa rin ang mabalahibong dibdib ng kung sino. "Mukhang bagong ligo." Una niyang naisip. Amoy niya kasi ang sabon na ginamit nito at menthol na shampoo. Gusto niyang tignan ang mukha upang alamin kung sino ngunit naestatwa na siya sa kanyang kinatatayuan at kahit gustong itulak, suntukin at sipain ang nasa harap niyang nilalang ay hindi niya magawa. Natatakot kasi siya, napakalaki kasi nito kumpara sa kanya. Animo'y kapre, Gorilla kumpara sa kanya na maliit lang na mistulang duwende sa tabi ng lalaki. Gusto niyang sumigaw upang humingi ng tulong dahil baka masamang tao ito at nakapasok sa loob ng bahay ng Ginang. Ang sabi pa naman ng Ginang sa kanya kanina ay walang tao sa bahay nila dahil nasa trabaho ang asawa't panganay niyang anak. Kaya nga nagprisinta na siyang alagaan muna ito sandali bago siya umuwi. Ang bunso niya raw ay nasa eskwelahan. Kaya maaring magnanakaw at nagawa pang makiligo ng walang hiya at mukhang namili pa ng mamahaling sabon dahil napakabango ng amoy nito. "Hija!? Ayos ka lang ba riyan?" Naalarmang tanong ng Ginang mula sa sala matapos niyang marinig kalabog mula sa kusina. Pinilit niyang makatayo upang puntahan ito kahit hirap dahil sa pagkirot ng kanyang paa lalo na sa tuwing itatapak niya ito sa sahig at iaangat. Hindi narinig ni Lilith ang Ginang maging ang lalaking naroon dahil pareho silang nakatutok lang ang atensiyon sa isa't-isa. Parehong nakikipakiramdaman. Mistulang nasemento na ang mga paa ni Lilith sa sahig at parang pati utak niya ay ayaw na ring gumana. "Hindi maaari." Usal niya sa isip at pinilip mag-isip ng dapat gawin dahil kung magnanakaw ito ay pati ang Ginang ay malalagay sa panganib. Unang pumasok sa isip niya ay ang umatras at tumakbo palayo, puntahan ang Ginang at ilabas sa bahay bago tumawag ng tulong sa mga kapit-bahay. Nang magawa niyang makagalaw at akma na sanang tatakbo ay nahablot naman siya ng lalaki. Akma na siyang sisigaw upang humingi ng tulong ngunit nagawa naman nitong takpan ang bibig niya gamit ang isa nitong kamay. "Mmmmmmmm!" Tangi na lamang niyang nasambit, ngunit si Lilith kahit maliit di hamak ay hindi papatalo. Kinagat niya ang kamay nito ng ubod diin at sa pagkakataong iyon ang mabalbong Gorilla naman ang napasigaw sa sakit. "Arayyyyy!" Hiyaw ng lalaki at doon niya nakita ang mukha nitong napakagwapo. Agad inalis ng lalaki ang kamay niyang kinagat nito sa bibig ni Lilith at nanatili siyang nakahawak sa braso ng dalaga dahil wala siyang balak pakawalan ito. Galing siya sa trabaho. Sa site siya nagpunta ng maaga upang tignan ang proyekto nila na mga bahay sa isang subdibisyon. Aksidente siyang natapunan ng pinangpapalitada na nabitiwan ng isang trabahor matapos may maapakang malambot na kahoy na kanilang tuntungan. Hindi naman napaano ang lalaking dahil nahawakan siya ng isa niyang kasamahan. Hindi naman siya nagalit rito dahil aksidente nga iyon at mabuti na lang at walang nasaktan. Umuwi na lang siya upang maligo't magpalit ng damit bago bumalik sa opisina niya at hindi inasahang pagbaba niya sa kusina ay may makikitang babaeng nagngunguha ng yelo sa kanilang ref at sa palanggana pa naisip ilagay. Alam niyang nasa palengke ang kan'yang Mama sa ganoong araw at mukhang sinamantalang walang tao sa kanila upang makapagnakaw. Sobrang sakit ng kamay niyang kinagat nito. Parang naalis ang laman na nagdurugo. Tinignan niya ang parteng kinagat at tama nga siya, dumurugo. Hindi niya inalis ang isang kamay niyang nakahawak sa braso nito at mas hinigpitan pa iyon dahil nagpupumiglas ito. Hindi niya inasahan ang sunod ginawa. Tinuhod siya ng babae at kung saan tumama, sa pagitan lang naman ng kanyang dalawang hita. "Sh*ttttt! D*** you! Ahhhh!" Mura nito sa kanya at nabitawan na niya ang babae. Namilipit siya bigla sa sakit. Napakapit sa upuang nasa kanyang tabi habang si Lilith ay kumaripas na ng takbo paalis. Nasalubong ni Lilith ang Ginang na pupuntahan sana siya sa kusina upang alamin kung anong nangyayari. "Anong nangyari saiyo hija?" Nabigla siya sa itsura ng dalaga. Mukhang takot na takot ito at taranta.. "Tara po Tita labas na po tayo." Wika ni Lilith at marahan na hinila ang Ginang palayo kung saan siya galing. Inalalayan niya ito at dahil masakit ang paa ng Ginang ay dahan-dahan ang kilos nila. Nadinig ng lalaki ang boses ng kanyang ina kaya naman tinawag niya ito agag nang pagkalakas-lakas. "Maaaaa!" Natigilan si Lilith. Nahinto rin sa paghakbang ang Ginang nang makilala ang boses. "Teka Hija, anak ko yata iyon." Anang Ginang na ikinagulat ni Lilith bigla. "A-anak mo po?" Natigalgal na tanong ni Lilith sa inaalalayan. "A-akala ko po na-sa tra-ba-ho?" Pautal-utal niyang tanong. "Akala ko nga rin ngunit parang nasa kusina, maari mo bang tignan para sa'kin?" Pakiusap sa kanya ng Ginang at kahit takot ay tumango na lamang siya. Biglang napalunok si Lilith. Mas lalo siyang natakot matapos maalala ang ginawa niyang pagkagat sa kamay nito at pagtuhod niya sa ano nito. "Patay kang bata ka." Naibulong niya sa sarili. Inalalayan niya muna ang Ginang pabalik sa sala bago binalikan ang humuhingi ng tulong sa kusina. Nagdalawang-isip pa siya kung pupuntahan ba ito o huwag na lang ngunit nanaig ang kabaitan niya at nagdesisyong puntahan na lamang ito para sa Ginang gaya ng pakiusap nito. Naalala niyang sinabi sa kanya nito na Maverick ang pangalan ng panganay niya kaninang nagkwekwentuhan sila sa Ospital. Sinilip niya muna ang lalaki kung nasaan ito. Wala na ito sa may ref kung saan niya ito iniwan kanina. Wala rin sa tabi ng upuan kung saan ito napahawak kanina. Kung nasaan ito, nasa sahig at namimilipit pa rin habang hawak ng dalawang kamay niya ang nasaktang parte ng katawan nito. Namula bigla ang kanyang mukha nang makita ito. Napatakip siya bigla ng mga mata dahil malapit nang maalis ang tapis nitong tuwalya. "D*** you! May lakas ng loob ka bang bumalik matapos mo akong tuhurin!" Singhal ng binata sa kanya nang makita siya nito. "Pinakiusapan lang ako ng Mama mo na tignan ka. Kasalanan mo naman 'yan kaya huwag mong isisi sa'kin." Pagtatanggol niya sa sarili. Mura ng mura ito. Halos lahat na yata ng mura ay narinig ni Lilith sa bunganga niya. "Ano? Tatayo ka lang ba d'yan? Di mo ba ako tutulungan?" Tanong sa kanya ni Maverick na mistulang nanghihina sa sahiga at di makatayo. "Ayusin mo muna 'yan tapis mo bago kita tulungan." Sagot ni Lilith sa kanya at agad naman nitong ginawa. "Ayan, nakaayos na." Wika ni Maverick at doon lang inalis ni Lilith ang dalawang kamay sa kanyang mukha at saka ito nilapitan upang iupo. "Kapag hindi ako nagkaanak nang dahil dito sa ginawa mo, malalagot ka sa'kin." Bulong ng binata sa kanya habang inaalalayan siya nito. Natigilan si Lilith sa binulong nito at sinagot siya. "That's a threat at kapag may mangyaring masama sa akin, ikaw agad ang suspek." Matapang na sagot ni Lilith sa kanya. "Mahusay ngunit di epektibong panakot." Sagot sa kanya ni Maverick. Iniupo niya ito sa silya at mabilis na lumayo. "Okay ka siguro d'yan. Nakakarecover ka na n'yan maya-maya." Wika niya sa binata na mukhang lantang gulay na naubusan ng lakas. Sinandal niya ang likod sa upuan at pinikit ang mga mata. Pinagmasdan siya ng dalaga. "Mukha siyang mabait kapag nakapikit." Aniya sa isip. "Pikit na lang sana siya lagi." Dugtong niya pa at nagulat nang magsalita ito bigla. "Can you give me water?" Nakapikit nitong tanong. Agad namang siyang nanguha at ipinatong ang basong may malamig na tubig sa lamesa. Dumilat ito nang marinig ang pagpatong ng babasaging baso sa lamesa at nilagok ang laman niyon. "Who are you? Anong ginagawa mo rito sa bahay namin at bakit ka nangunguha ng yelo sa ref namin?" Sunod-sunod na tanong ng binata sa kanya matapos makainom ng tubig at bahagya nang mahimasmasan. Sinagot ni Lilith ang lahat ng mga iyon at nang marinig ang dahilan kung bakit siya naroon ay biglang gumuhit ang pag-aalala sa mukha niya para sa kan'yang ina. Agad siyang napatayo at kahit masakit pa ang kanyang maselang parte ay tiniis niya upang alamin ang lagay ng kanyang ina. Pag-alis nito ay pinulot ni Lilith ang mga yelo sa sahig at pinunasan ang basa. Nanguha na siya ng bagong mga yelo sa ref at saka sumunod sa sala kung nasaan ang mag-ina. Inilagay ni Lilith ang bimpo sa palanggana na may yelo at ipinatong sa mababang mesa. Naisip niya, tutal naroon naman ang anak niyang panganay, aalis na siya may pasok pa kasi siya sa hapon at kailangan niya pang umuwi at magluto. May ibinilin din si Aling Helen sa kanya na bilhin at baka nanghihintay na ito sa mga sangkap na pinakuha niya sa kanya. Nagpaalam na siya, pipigilan pa sana siya nitong umalis at niyayang doon na mananghalian sa kanila ngunit dahil nga sa dahilan niya kung bakit kailangan na niyang umalis ay wala ng nagawa pa ang Ginang kundi hayaan siya. Nakita niyang tilingon siya ng binata ngunit di na niya pinansin. Medyo inis siya rito dahil pinakamalan siyang magnanakaw ng yelo. Aminado naman si Maverick na maling pinagbintangan niya itong magnanakaw kaya di siya makatingin sa dalaga ng diretso kanina pa mula nang malaman kung sino ito at kung bakit siya naroon sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD