Nang malaman ni Rowena na may problema si Lilith mula sa panganay niyang anak ay hindi siya makatiis na hindi i-text ito. Sabi ni Mav sa kaniya'y may ginagawa ito kaya text na lamang ang pinadala niya upang basahin niya na lang kapag libre na siya upang di maabala. Pinapunta niya itong maaga sa kanila. Dinahilan niyang magpapatulong siya sa pagluluto. Biglaan siyang nagplano na mag-barbeque para meron talagang dahilan para pumunta si Lilith. Alas tres pasado na nang makatanggap siya ng reply nito. Pupunta raw siya ng maaga anito. Tinapos muna ni Lilith ang pag-aayos ng mga pinamili sa dapat nilang kalagyan. Matapos siya sa pag-aayos ay roon niya nabasa ang mensahe. Iniwan na niya muli ang cellphone. Umakyat naman siya upang maglinis ng naglalagkit na katawan at nagbihis ng pambahay. Um