Inagaw ni Maverick ang pamaypay kay Lilith at siya na ang nagpatuloy sa pag-iihaw ng mga Barbeque. Si Lilith nagpupunas ng sauce at mantika kapag medyo mukhang tuyo na at hindi pa luto ang mga nakasalang. Habang abala ang dalawa wala silang kaalam-alam na pinagmamasdan sila nina Rowena at Bilal mula sa bintana ng kusina kung saan tanaw na tanaw ang dalawa na nagtutuksuhan at tawanan. "Nakakapanibago," usal ni Bilal. Di makapaniwalang tatawang nang ganoon ang anak niyang binata sa mga simpleng ka-cutetan ni Lilith. Grabe rin ang ngiti nito habang nagpapaypay ng iniihaw. "Oo nga e, pero nakakatuwa sila. Bagay pa sila mahal?," segunda ni Rowena at tanong sa kaniyang mister na nasa tabi't nakikidungaw rin gaya niya. "Hmm, mukhang bagay naman. Parang tayo, mas maliit ka kesa sa akin. Tingi