Kabanata 47

1782 Words

Maagang nagpunta sa pribadong eskwelahan si Lilith upang hanapin ang Aurora na nasabi ni Rowena sa kaniya sa text. Sa mismong admin office ng paaralan mismo niya ito natagpuan. Isa sa mga empleyado roon ang kaniyang napagtanungan na nakaupo sa harap kung saan may nakapagitan lamang na salamin sa kanilang harapan. Nagpaalam ito sandali upang tawagin ang hinahanap niya at nang makabalik ay sinabi sa kaniya ng babae na pumasok siya mismo sa loob ng opisina dahil naghihintay na ito roon sa kaniya. Nagpasalamat si Lilith sa babae at sinunod ang sinabi nito. Pumasok siya sa loob at binuksan ang nag-iisang pintong naroon kung saan niya nakita ang babaeng napagtanungan kanina na pumasok. Pagbukas niya ng pinto ay isang middle age na babae ang kaniyang nakita. Nakaupo sa kaniyang office table.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD