"Mabuti naman at nagpakita ka na rin sa wakas sa amin Lilith," nakangising saad ng Ginang na dumating kasama ang kaniyang asawa't dalawang anak. Gulat na gulat si Lilith sa pagsulpot nila bigla. Tumayo siya agad mula sa pagkakaupo sa konkretong nitso ng kaniyang Tiyahin at napaatras palayo sa mga taong dumating. Hindi niya lubos maisip na matatagpuan siya ng mga ito. Hindi niya alam kung paano, ngunit nang makita niya ang pinsang babae na nakauniporme pa ng eskwelahan kung nasaan siya kanina ay agad niyang naisip na baka nakita siya nito sa eskwelahan at nasundan siya nito't sinabi kung nasaan siya ngayon. "Ano pong kailangan niyo sa akin?" kinakabahang tanong ni Lilith sa apat. "Nasaan ang titulo ng lupa ni Ate ha Lilith? Nasa iyo hindi ba? Dinala mo noong lumayas ka? Nasaan?!" galit