Lilith's Point of View Bahagya akong naalimpungatan nang mga alon mula sa dagat at narinig ko nang umagang iyon at hindi mga tunog ng busina ng mga dumadaang mga sasakyan. Nawala sa isip ko na nasa Palawan nga pala kami at nasa silid ako ng isang Hotel at wala sa apartment ng mga Jha. Nang umagang iyon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makapagmasid sa paligid. Magobserba sa loob ng silid kung nasan ako at namnamin ang sariwang hangin mula sa labas na malayo sa polusyon at ingay. Wala na ang hilo ko. Binilinan ako ni Mav kagabi bago siya umalis papunta sa silid niya na uminom ako ng gamot ulit para sa hilo. Ginawa ko kaya siguro ayos na ako ngayon. Pagbangon ko ay bintana agad nakaagaw ang atensiyon ko. May tunatagos na sinag ng araw na mapula-pula sa kurtina kaya hinawi ko upang tig

