Lilith's Point of View Nanatili kami ni Mav sa tubig nang ilang minuto. Nasa mababaw lang ako at siya nama'y palanguy-langoy sa malalim na parte na parang sirena. Halos kami lang naroon. Maaga pa raw naman kasi sabi ng lalaking kasama namin na guide kaya wala pang gaanong tao. Madalas puno raw roon kapag hapon na. Nakaupo na si Janina sa kahoy na apakan sa gilid ng Lake. Paa lang niya ang nasa tubig at nilalaru-laro ang paa. Nilapitan ko siya at tinanong kung gusto niya rin lumublob. Kaso ayaw niya dahil nakikita niya raw ang mga lumot. Natawa na lang ako. Mukhang ayaw ng batang ito ang mga lumot. Sabagay madulas naman kasi sila at slimy. "Lilith! Lika turuan kitang lumangoy!" nadinig namin ni Janina na sigaw ni Maverick. Nasa malalim-lalim siyang parte nang lingunin ko at awtomatikon

