Araw ng Sabado. Kahit pagod ay sinikap pa ring makabangon ni Lilith upang pumasok sa trabaho. Late na siya nakauwi dahil napasarap ang kwentuhan nila ni Aling Mina at ilang putahe nanaman ng ulam ang pinabitbit nito pauwi sa kanya. Halos ulam na niya sa loob ng tatlong araw kung ilalagay niya sa freezer at iinitin na lang kapag kakainin na. Ganito ang gawain niya noon pa para makatipid. Hindi siya nasisiraan ng ulam dahil may mga paraan siyang natutunan sa kanyang pag-iisa sa buhay. Iba na nga raw ang mautak aniya. Isa pa'y ayaw niyang nagsasayang ng pagkain dahil minsan na rin siyang nakaranas ng hirap at gutom noong siya aya bata. Panahong wala siyang panlaman tiyan at kinailangan niyang manlimos sa kanyang mga kamag-anakan upang bigyan kahit kaning tira at tutong na maitim upang mayr