Lunchbreak na nila Lilith. Nasa locker room na nang magkalapit muli ang dalawang magkaibigan. Nginitian niya si Marites nang makita, gumanti naman ito ng ngiti ngunit ngiting alam niyang hindi tunay. Kaninang natumbok niya na may kakaiba sa kaibigan ay biglang nagbago ang ekspresyon nito. Iyon pa lamang ay sinyales na na tama siya at may pinagdadaanan nga ito. Sa mga mata pa lamang niyang nang mismong oras na iyon na halos maluha-luha na sa simpleng salita ni Lilith ay alam niyang mabigat na problema iyon na dapat mapakinggan upang mapayuhan man lang siya ng dapat gawin upang mabigyan siya ng kagaanan. "Sa iba naman tayo mag-lunch. Labas naman tayo. Nakakasawa na sa canteen. Baka mamaya mawalan pa ako ng gana dahil sa mga maling tsimis nila." Yaya ni Lilith kay Marites. Ginawa niyang d