Gaya ng sabi ni Maverick bago umalis nang maihatid si Lilith ay susunduin niya ito. Dumating siya sa harap ng pabrika ilang minuto pa lamang mula nang mag-out si Lilith sa trabaho. Natanaw niyang nasa labas na ang dalaga at may kausap na isang babae na pamilyar sa kanya ang mukha. Nagyakap pa sila bago naghiwalay. Si Marites iyon. Nagpaalam lang sila sa isa't-isa at binigyan ng kaunting words of encouragement ni Lilith ang kaibigan dahil pupuntahan na nito ang bahay ni Greg upang sila'y magkausap. Tinanaw niya ito habnang pakayo. Naniguro muna na hindi ito madadapa dahil nagkakarerahan ang dalawang mga paa sa kamamadali. Saka lang siya pumihit paharap sa may kalsada nang mawala na ito sa kanyang paningin at ang agad naman nakakuha ng atensyon niya ay ang sasakyang itim na alam niya kun