"Sige, maghahain na kami ni ate Lilith mo." Tugon ni Rowena sa anak. Nilabas ni Rowena ang mga mamahalin niyang plato't mga baso. Pati ang kutsara't tinidor na may kabigatan kumpara sa mga ordinaryo na mabibili sa mga tindahan na mababaw ang mga kutsara't maninipis pa. Pati place mat ay bago rin ang kanyang inalabas. Hindi pa nagagamit dahil balak niya sana sa bagong taon pa iyon gamitin. Nasa kalahati pa lamang naman ng taon, bibili nalang siya ng bago para sa pasko at bagong taon. "I want to help Ma." Ani Janina. Hindi ito umalis at bumalik sa sala dahil hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan ng Papa niya at mga magulang nito. Maging si Maverick nga ay hindi dahil Hindi ang lenguwaheng gamit nila. May pailan-ilang salita na alam niya dahil naririnig niya sa ama noon at naitat