Nagpalipas pa ako ng isa pang oras sa park bago ako nagpasyang maghanap ng makakainan. Kanina pa walang laman ang tiyan ko. Masama pa naman sa isang buntis ang malipasan ng gutom lalo na at hindi na lang sariling kalusugan ko ang dapat na alalahanin ko. May isang buhay na rin sa loob ko na kailangang alagaan. Papunta na ako sa exit ng park nang may mahagip ang mga mata ko. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng aking mga mata pero nakikita ko talaga si Clarisse Sloba ko sa unahan malapit sa zoo area ng park na may kausap na lalake na nakatalikod sa akin. Mula sa akin ay mukhang nag-aaway ang dalawa base na rin sa intense ng mukha ni Clarisse. Curious na nagkubli ako sa isang puno at pinanood ang dalawa. Galit na ang mukha ni Clarisse. Ang sumunod na ginawa ng lalake ang nagpaa