"What do you think of the place? Nagustuhan mo ba?" Inirapan ko siya at iginala ang tingin sa buong lupain nito na hitik sa mga bulaklak. Nagyaya itong kumain sa restaurant ng lugar na nasa mataas na lugar na parang burol kung saan tanaw ang kabuuan at kagandahan ng lugar. "Sinabi mo na kanina na alam mong nagustuhan ko talaga ang lugar. Bakit mo pa ako tinatanong ngayon? Ikaw ha. Matagal mo na palang itinatago sa akin ang ganito kagandang lugar?" "I was initially planning to show you this when I tried asking you out but you rejected me." Ipinaghiwa siya nito ng karne na inilagay nito sa plato na agad naman niyang kinain. "Kalimutan na nga natin iyan. Ang mahalaga ay nakapunta na ako rito." Pinuno ko ng hangin ang dibdib. "Ang lamig, ang presko, at ang ganda talaga rito. Kailan tayo b