48

2236 Words

Tunay sa sinabi nito, kinagabihan ay umuwi si Romanov sa akin. Malapit na iyong magmadaling-araw nang maramdaman ko siyang pumasok sa silid ko. Maingat na tumabi siya sa akin sa kama at kinintalan ako ng halik sa pisngi. Hindi ako kumilos at nanatili lang na nakapikit. “Goodnight my lovely Rune,” mahinang saad nito saka umalis. Mayamaya ay narinig ko na lang ang lagaslas ng tubig sa banyo. Doon na ako nagmulat ng mga mata at bumangon. Inayos ko ang attache case nito na dala maging ang mga hinubad nito na damit. Tinupi ko at inilagay sa sofa saka kumuha ng damit para dito. Lumabas ito ng banyo na nakasuot na ng roba at nagpupunas ng buhok. Nabigla ito ng makita nitong hinihintay ako sa kama. “Bakit gising ka pa? Did I wake you up? I’m sorry.” Umiling ako at inabot dito ang mga damit.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD