Pagdating sa isang mall ay magkasama kaming dumiretso sa supermarket. Hindi pa ako pumayag noong una na sumama siya sa akin dahil baka may makakita sa amin pero maayos naman ang disguise nito na sunglasses, mask, at cap kaya tumango na ako. “Ano ba, nasa unang aisle palang tayo pero parang gusto mo nang ubusin lahat ng supplies.” Ibinalik ko ang mga nilagay nito sa push cart. Nagkibit-balikat lang si Romanov saka hinawakan ang likod ko para magpatuloy. “I can buy all those stuff. I could even buy this establishment if I want to. Come to think of it, I could definitely expand into shopping malls. What do you think, Rune?” “Ewan ko sa iyo. Pera mo naman iyan. Ikaw ang mag-i-invest. Pero it doesn’t mean you have to buy it if you can ‘di ba?” Hinaklit niya ako sa bewang kasabay ng paggu