“Hindi mo naman sinabi sa akin na nag-resign ka na pala. Kung hindi pa ako nakabalik ay hindi ko pa malalaman,” nagtatampong wika ni Claire. Tinawagan niya ako kanina na magkita kami sa isang café. Pinaunlakan ko naman dahil matagal na kaming hindi nagkikita. “Biglaan lang, Claire. Personal reason,” sagot ko at uminom sa baso. “Mag-a-abroad ka ba, Rune? Saang bansa?” Tinawanan ko ang kaibigan. “Sira. Gusto ko munang magpahinga sa trabaho ngayon. Ang bilis ko kasing ma-burn out ngayon. Ayokong maibunton sa mga bata. Magpapabuhay muna ako sa mga kapatid. Ikaw ba, may progress na ba sa pagkausap mo sa ama ni Theo?” Nalungkot bigla ang mukha nito. “Wala pa nga, eh. Ang hirap kasi hindi ko malaman kung saan ko siya kokontakin. Wala akong ideya.” Kumunot ang noo ko. “Anong mahirap doon e