Tinotoo na nga ni Romanov ang pangako niya sa akin na dito muna siya sa tabi ko. Sa loob ng dalawang araw ay hindi ito umuuwi sa asawa niya. Ilang beses ko na ring nahuli ito na pinapatay ang cellphone kapag si Clarisse ang tumatawag. Sa ikatlong araw na magkasama kami ay hindi na siya pumayag na tumanggi ako sa mga plano nitong lumabas kami. “Delikado iyang gusto mo. Paano kung mahuli tayo ng asawa mo? Hindi ko kayang malaman ng mga kapatid ko, Romanov.” Bumalik ako sa kama at naupo. Kanina pa niya ako pinipilit na sumama rito dahil gusto raw nitong mamasyal sa bagong property na nabili. Isang recreational building sa pinakasentro ng lugar. “We won’t. Let’s just go there as strangers,” pilit pa rin nito. “Strangers? May estranghero bang nagyayakapan at naghahawakan ng kamay? Knowing