“Clarisse...” Lumapit sa akin ang babae sa nanlilisik na mga mata. Hindi ko napigilan ang mangatal sa takot lalo pa at napakatalim ng tingin nito sa tiyan ko. Agad kong pinihit pabukas ang pinto para makalabas pero hindi ko ito mabuksan. Naka-lock sa labas ang pinto. Ganun na lang ang takot na naramdaman ko nang maramdaman ko na siya sa likod ko. “Don’t bother asking for help, Rune. May ginagawa pa si Romanov at kampante siyang nasa baba ka lang kaya malabong magpunta siya rito ngayon.” Hinagod niya ako ng tingin lalo na ang tiyan ko kaya idinantay ko agad ang mga kamay sa tiyan para protektahan ang anak. Nakita nito iyon kaya natawa ito. “Hindi niya alam. Wala siyang kaalam-alam na nagkaharap na pala sa ngayon ang pinakatatago niyang kerida at ang legal na asawa niya.” Nilunok ko