Natagpuan ko ang sarili sa labas ng bahay ni Claire. Nasa loob lang ako ng kotse at nagmamanman. Kanina ko pa t-in-ext ang kaibigan para sabihin na gusto kong mag-usap kami pero hindi niya ako sinasagot. Sinubukan kong tumawag pero hindi ko ito makontak. Akmang lalabas ako ng kotse ng pigilan ako ng bodyguard. “Ma’am Rune, ako na po ang kakatok.” Tumango ako. “Sige.” Wala pa ring nagbubukas ng pinto kahit ilang minuto nang nagpipindot si Joshua sa doorbell kaya binalikan na lang niya ako sa kotse. “Ma’am Rune, wala pong sumasagot e.” “May lakad nga siguro. Ah Joshua, alam mo ba kung saan nakatira si Edmund Sierra?” Nagkamot ito ng ulo. “Naku ma’am, masasabon po ako ni Sir Romanov kapag dinala kita doon. Kabilin-bilinan pa naman niya na sa amin na ‘wag palalapitin sa inyo ang kahit n