59

1187 Words

Muntik na akong umoo kay Romanov. Gustung-gusto ko nang tumango at tanggapin ang alok nitong kasal pero mas pinakinggan ko ang boses sa loob ko na nagsasabing ‘wag akong magpadalos-dalos. “Rom, alam ko na alam mo na gusto kita, na mahal din kita. Bilang isang babae at isang ina sa anak mo, gusto rin kitang pakasalan pero nag-aalinlangan ako sa ngayon.” Maingat na isinarado ko ang kahita at ibinalik dito ang box. “Bigyan mo muna ako ng oras para makapag-isip, pwede ba? Okay lang ba iyon?” Mabilis nitong itinago ang sakit sa mukha bago ngumiti para ipakita sa akin na naiintindihan niya ako. Parang piniga ang puso ko sa nakitang reaksiyon nito pero gusto ko pang bigyan ng panahon ang sarili na makapag-isip lalo na at ni hindi pa namin nareresolba ang napakaraming mga problema. “Of course.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD