Chapter 4

1176 Words
Sapo ko ang dibdib habang sakay sa private elevator kasama si Cordata. Nasa pinakaituktok daw ng gusaling ito na mismong pagmamay-ari ng kliyente ko naghihintay ang matanda. Hindi ko na lang iniisip ang mga susunod na pangyayari. Ang tanging isinasaksak ko na lang sa utak ay ang perang makukuha ko mula rito para sa operasyon ng aking ama. "'Wag kang nerbiyosin, Rune. Mabait ang kliyente mo. Napakapribadong tao nga lang pero maniwala ka sa akin na hindi kita pababayaan." Nginitian ko si Cordata at huminga nang malalim. Sana nga. "Alam ko," tipid kong sagot para payapain ang sarili. Tumigil ang elevator sa ika-anim na palapag at bumukas. Mahinang itinulak ako ni Cordata at tinanguan. "Hanggang dito na lang ako, Rune. Hindi ako pwedeng sumama sa loob. Basta tandaan mo na sa room 601 ka. Sige na. Good luck." "Salamat." Kuyom ang palad na binaybay ko ang hallway para hanapin ang silid na sinasabi nito. Kinakain na ako ng takot at gusto ko ng umuwi pero pilit kong itinaboy ang lahat ng iyon. Nang matagpuan ang hinahanap ay huminga ako nang malalim at ipinikit ang mga mata. "Bahala na," sambit ko at tuluyan ng binuksan ang pinto. Ang unang bumungad sa akin ay ang magandang silid. Napakagara ng loob. Halatang mamahalin ang lahat ng gamit. Napakalamig din ang buga ng aircon kaya napayakap ako sa sarili. Hindi sapat ang maikling suot ko para protektahan ang katawan ko sa lamig. Lumihis ang tingin ko sa bintana at agad na dumoble ang kabog ng dibdib ko. May isang matangkad na lalake na nakatayo at nakatalikod sa akin at nakatingin sa labas. Ito na siguro ang sinasabi ni Cordata na kliyente ko. "Ah, e-xcuse me po. M-Magandang gabi ho," nauutal na tanong ko sa lalake. Unti-unting humarap sa akin ang lalake. Ang sabihin na nabigla ako ay kulang. Ang nasa harapan ko ay hindi isang matandang hukluban na siyang inaasahan ko. Ito na yata ang pinakaguwapong nilalang na nakita ko. Napakatangkad, napakatangos ng ilong, halatang banyaga, napakalaki din ang katawan. Nakakatulala ang taglay nitong kagwapuhan. Mga nasa trenta anyos pa lamang siguro ito. Napakurap ako dahil sa kahihiyan at nagbaba ng ulo nang makitang mataman akong pinag-aaralan ng lalaki. Nakakahiya dahil harap-harapan ko siyang tinutungangaan. "Pasensiya na po. Mukhang ibang silid po yata ang napasukan ko," namumula ang mukha na saad ko. Kagat ang labing tumalikod ako para umalis na. "Rune Villegas, 22 years old. You're a college student taking up Education. You're the breadwinner in your family and you're doing this for your father. I am Romanov Sloba, and I will help you financially only if you come back here so we can talk." Nabigla ako sa narinig at nanlalaki ang mga mata na unti-unting lumingon para harapin ang matitiim na mga mata ng lalaki. "A-Ano po?" Binigyan niya ako ng isang seryosong tingin at iminuwestra ang sofa gamit ang kamay nito na may hawak na bote ng beer. "Let's take a seat so we can discuss it." Nauna itong naglakad sa sofa at umupo. Tiningnan niya ako at muling sinenyasan na maupo. Nagpatianod ako at nilakasan ang loob. Nakayuko at mahigpit ang pagkakakuyom ng kamao habang umuupo ako sa pinakadulong bahagi ng sofa. Nakasunod lang sa bawat kilos ko ang lalaki na lalong nakapagpa-conscious sa akin. "So Rune, let's skip the usual meet and greet. I know all the information I could gather about you. I know what you're thinking now. Bakit hindi ako ang inaasahan mong matanda. Well, sinadya ko iyon. If someone like you would want to do it with an old man then a pretty decent looking man like me will have no hard time convincing you on my terms." Tumango ako sa kawalan ng masasabi. Tama naman kasi lahat ng punto niya. "Before anything else, let me remind you again that this will be purely business. s*x is what I will only need from you. Nothing more, nothing less. You will sign a disclosure agreement with me. Makakasuhan ka kung lalabag ka sa kasunduan natin. In return, you will be well compensated. I will transfer your father to a private room in a private hospital. I could also arrange for you to transfer to an expensive university. Anything you need that requires money will be on me. Everything," ani nito na para bang ang pinag-uusapan lang namin ay ang pagbili ng simpleng laruan. Hindi pa man ay nahihilo na ako sa naririnig. s*x? Agreement? Ano ito? "Teka. Teka. Bakit ka na umabot sa ganiyan? At s*x? Wala ito sa sinabi sa akin ni Cordata. Sabi niya companionship lang daw ang hanap mo. Mr. Sloba, hindi ako pumapasok sa ganiyang kasunduan." Parang hindi nito nagustuhan ang narinig dahil bahagyang kumunot ang noo nito at inilapag ang bote sa kalapit na maliit na mesa na gawa sa babasagin. "I see, you're a naive girl. Let me guess, you're still a virgin. Rune, sino ba ang lalaki sa mundong ito na magbabayad ng malaking pera kung hindi mo naman matutugunan ang pangangailangan ko. I specifically requested for a more experienced woman but I was moved by your story so I chose you." Natahimik na naman ako sa narinig. "I know the type of women like you. Your morals and principles in life are the only things you hold on to. Now here comes your ailing father and all your values flew out of the window. You're willing to do everything. And I needed someone permanent to warm my bed. After one year, our ties will be cut and off you go." Nakakatunaw ang tingin niya sa akin habang patuloy niya akong kinukumbinsi at kahit ayaw ko mang aminin sa sarili ay natatamaan na rin ako. Tama naman kasi siya. Desperada na ako. Hindi ko man tanggapin ito ngayon, siguradong magkukumahog pa rin ako sa paghahanap ng ibang mapagkikitaan na alam kong sa ganito pa ring paraan ako mauuwi. Nangilid ang mga luha ko sa mga mata sa kinasasadlakang sitwasyon. Ang saklap lang talaga pero lalaban ako para sa ama ko, para sa kapatid ko. Pinahid ko ang mga nalaglag na luha at itinaas ang mukha sa lalaki na hindi pa rin nagbabago ang seryosong mukha. "Tama ka sa lahat, Mr. Sloba. Oo, virgin pa ako at oo naive din ako. At prinsipyo na lang din ang mayroon ako pero hindi nito maililigtas ang buhay ng ama ko." Huminga ako nang malalim at dahan-dahang tumango. "Asan po ang pipirmahan ko?" Tinitigan ako ni Romanov. Dumukot ito sa loob ng coat na suot nito at naglabas ng isang papel. Ibinigay nito sa akin iyon kalakip ang isang ball pen. Inabot ko ang mga ito at tiningnan. Isang blank cheque ang papel. "Write any amount for tonight. Bukas ay kakausapin ka ng abogado ko." Tumayo ito at hinubad ang necktie at itinapon sa sahig. "For now, we have to get rid of it." Kumurap ako ng ilang beses nang hindi ko makuha ang ibig nitong sabihin. "A-Ano?" Isinunod nitong hubarin ang polo shirt. "Your virginity. We have to get rid of it. I don't like an innocent woman in bed."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD