Napatayo ako bigla at nanlalaki ang mga mata na umatras palayo. Natigil ito sa paghuhubad ng suot ng long sleeves polo at tiningnan ako na parang natatawa.
"What are you doing? You're afraid? This won't hurt. Go to the bed now. I won't take you until you're fully ready. Surely, you don't take me for a crass man, do you?"
Itinuloy nito ang paghuhubad ng pang-itaas at itinapon sa sofa ang damit. Napapikit ako nang humantad sa akin ang malapad at maskulado nitong dibdib. Nayakap ko ang sarili sa takot na biglang lumukob sa akin.
"What's wrong, Rune? Aayaw ka na ba? Paano ang ama mo?"
Tumulo na ang mga luha ko sa pagkaawa sa sarili.
"H-Hindi pa ako handa sa gustong gawin mo," anas ko at dahan-dahang iminulat ang mga mata sa lalaking bumalik sa pagkakaupo sa sofa at walang emosyon ang mukha na nakatunghay sa akin.
"I'm giving you a choice, Rune. Are you really willing to do this or will I have to find another one who can satisfy my needs? Be firm with your answer."
Uminom ito sa baso na may alak at tinitigan ako nang nakakatunaw.
Napalunok ako at nag-isip. Alam ko naman sa sarili ko na kaya ko ang hinihingi niya sa akin. Kaya lang... hindi pa lang talaga ako handa. Hindi ko pa na-i-program ang utak ko na ibibigay ko na talaga ang pinakaiingatang sarili dito sa estrangherong ito ngayon.
"K-Kaya ko at gagawin ko ang mga hinihingi mo pero... pero pwede bang bigyan mo muna ako ng panahon? Alam kong wala akong karapatan na hingiin ito sa iyo kasi ako ang mas nangangailangan sa ating dalawa. Pero... Pero please Mr. Romanov, 'wag ka nang maghanap ng iba please. K-Kaya ko. Kaya kitang paligayahin. A-Ano lang... Bigyan mo lang ako ng kahit ilang minuto. Aayusin ko lang ang sarili ko. Magiging honest ako sa iyo ngayon. Kinakabahan talaga ako. Sobra. Sobrang kaba iyong nararamdaman ko."
Tumulo ang mga luha ko pero kaagad ko iyong pinahid at tinapangan ang tabas ng mukha.
Hindi ito natinag sa pagkakatitig sa akin. Ni hindi ko ito nakitaan ng kahit na anong pagbabago sa emosyon.
"Are you expecting me to treat you like a charity Rune because that won't happen. I'm only expecting you to be professional with me. You perform for my needs, I pay you. That's it. Wala ng extension pa ng kahit na ano but for the sake of our first meeting, pagbibigyan kita."
Nakapamulsang tumayo ito at nagbihis pagkatapos ay bumalik sa upuan at sumandal. Itinaas nito ang kamay at iminuwestra ang espasyo sa tabi nito.
"Sit."
Sumunod naman ako at tumabi rito.
"Drink."
Kinuha niya ang kamay ko at ipinahawak ang kopita ng alak na ginamit nito kanina.
"Hindi po ako umiinom," tanggi ko at ibinalik dito ang baso.
"Drink it. I'm ordering you."
Napalunok ako ng laway sa tigas ng boses na ginamit nito. Itinaas ko ang baso sa bibig at uminom. Napaubo ako sa magkahalong pait at anghang na nalasahan.
"Since we will have no business for tonight, let me laid my rules."
Kinuha nito ang kopita sa kamay ko at sinalinan ng baso bago diretsong nilagok. Hindi ko naiwasan ang mapangiwi. Parang tubig lang, a.
Ibinalik niya ang mga mata sa akin at hinagod ako ng isang sensuwal na tingin.
"I like wild women in bed but I don't like to be dominated. I'm always on top in any position and I set the pace. But don't take me for a selfish man. I make sure to make you c*m first."
Namumula na ang mukha ko sa puntong iyon kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Since I'll be your first, I wanted you to be submissive to me. Don't do anything without asking permission from me. My bed, my rules. Binabayaran kita para may magpunan ng mga pangangailangan ko. Take it like a practicum."
Tumango ako kahit sobrang asiwa na ang nararamdaman ko.
"Second, I want your body to always be prepared. You will have a membership in salons to take care of you. Sa mga araw na magkikita tayo ay ako mismo ang pipili ng isusuot mo, ng mga pabango mo, at kung anong kulay ng buhok ang gusto ko para sa iyo. I own you on those days and nights and I'm paying, always remember that."
Gusto ko sanang umangal pero pinigilan ko ang sarili. Para saan pa? Babayaran niya ako sa bawat araw na seserbisyuan ko siya at iyon lang ang pinakamahalaga sa akin.
"Third, don't call me. I'll call you when I need you. Iyon lang ang tangi nating komunikasyon. Hindi natin kilala ang isa't isa outside the bedroom. Fourth and last rule Rune, don't ever have feelings for me."
Doon ako napataas ng tingin dito. Seryosong-seryoso ang mukha nito.
"This will only be purely about physical pleasure. No feelings attached. 'Wag na 'wag kang magkakamaling mahalin ako dahil puputulin ko ang transaksiyon natin sa oras na mangyari iyon. You might not help it but tell me so we can cut it immediately."
Naglagay ito uli ng alak sa baso at tinitigan ito.
"Magiging matapat ako sa iyo, Rune. All of the women I had been with in this kind of set up all fell for me and it didn't end well for them. Kaya ang payo ko sa iyo ay ganito. Just focus on the money I could give to you. Don't think of me beyond that because I can give you nothing. Iwasan mo ang sariling mahulog sa akin para na rin sa kapakanan mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
Tinitigan ko si Romanov. Sa taglay na kagawapohan, katawan, at yaman nito, hindi nga malabong mahulog ang isang tulad ko sa kaniya pero sa estado ko ngayon, hindi iyan ang mapagtutuunan ko ng pansin dahil may ama akong kailangang sagipin.
"Kung mangyayari man iyon, ako na mismo ang unang magsasabi sa iyo para matapos na agad tayo. Iyan ang maaasahan mo sa akin."
Inubos nito ang laman ng baso at tumayo at inabot ang coat na nakasampay sa sofa.
"Very well. Now that ends our night, Rune."
Naglakad na ito papunta sa pinto.
"May tanong lang ako," pikit-matang pigil ko dito.
Tumigil ang mga yabag ng lalake.
"Go ahead."
Nagmulat ako ng mga mata at sinalubong ang matitiim na mata nito.
"Wala ba akong maaapakan dito? K-Kasal ka ba?"
Nakita ko ang unti-unting pagtigas ng mukha nito, ang paggalawan ng mga litid sa leeg nito, at ang saglit na panganib na dumaan sa mga mata nito bago niya ako tinanguan.
"Yes, I'm very much married and I love my wife so much which is why you can't fall in love with me, Rune."