"Yes, I'm very much married and I love my wife so much which is why you can't fall in love with me, Rune."
Paulit-ulit na naririnig ko iyon sa ulo kahit nakauwi na ako sa bahay at nakahiga na sa kama.
Pumikit ako at sinubukang matulog ngunit mailap pa rin ang antok sa akin kaya bumangon ako at kinuha ang cellphone para i-search sa Google ang pangalan ng lalake. Agad na lumabas ang picture nito kasama ang isang tisay na babae na animo model sa ganda.
"Clarisse Sierra, model and art connoisseur married tech giant Romanov Sloba," basa ko sa unang article na nakita. "Wow, hindi pala biro ang mga taong ito."
Ang lalaking nakausap ko kanina ay galing sa hindi basta-bastang pamilya. Dating senador ang ama na may ekta-ektaryang plantasyon ng saging at niyog. Italyana ang ina na ngayon ay namumuhay na sa bansa. Nagtapos sa ibang bansa bago nagtayo ng media company sa Pilipinas. Ang asawa naman nito ay galing sa angkan ng mga tinitingalang artists. Nagmamay-ari ang pamilyang Sierra ng mga art galleries at museums na nakakalat sa buong mundo.
"Pero bakit ako ang napili niya? I'm sure kayang-kaya niyang kumuha ng mga matataas na kalibre ng babae sa mundong ginagalawan niya. Sino lang ba ako."
Bumalik ako sa paghiga at pumikit pero paulit-ulit pa rin na bumabagabag sa akin ang mga sinabi nito. In short, magiging kabit ako. Itatago at babayaran kapalit ng katawan ko. Mapait na katotohanan na kailangan kong harapin para sa kapakanan ng ama.
Nag-ring ang cellphone ko sa gilid na agad ko namang sinagot. Si Dendrick.
"O? Kamusta si tatay diyan?" bungad ko agad.
"Ate, good news. Na-approve ang application natin sa organization na magbabayad ng operasyon ni tatay. Nailipat na rin siya sa isang private room." Narinig ko ang paghikbi nito. "Ate, maooperahan na daw si papa sa lingggong ito. Ate, ang saya ko. Ang saya-saya ko."
"I will transfer your father to a private room in a private hospital. I could also arrange for you to transfer to an expensive university. Anything you need that requires money will be on me. Everything."
Nakahinga ako nang maluwag. Ang bilis kumilos ni Romanov.
"Talaga?" Pinilit kong langkapan ng saya ang boses. "Salamat naman kung ganoon. Den, 'wag ka nang umuwi rito. Papahatdan ko lang kayo ng damit at pagkain kay Kendrick. May kailangan lang akong asikasuhin sa college ko. Dadalaw ako sa araw ng operation ni papa."
"Ako na ang bahala dito ate. Kayang-kaya ko ito. Focus ka muna sa pag-aaral diyan. Magiging okay din ang lahat kay papa."
Tumango ako. "Salamat. Kumain ka na muna diyan. Ibababa ko muna para matawagan ko si Kendrick."
Matapos magpaalam sa kapatid ay tinawagan ko si Kendrick para ipaalam dito. Pagkatapos ay nakatulalang tinitigan ko ang picture sa Google ni Romanov.
"Salamat naman sa iyo at maooperahan na si papa. Utang ko sa iyo ito."
May pag-aalinlangan man sa puso ko ang napasukang kontrata ay alam kong wala nang halaga iyon sa ngayon. Ang importante ay mailigtas ko ang ama kahit pa maging kerida ang kaisa-isang anak na babae nito.
Kinaumagahan ay nakatanggap ako ng text mula sa isang unregistered number. Nagpapakilalang tauhan ni Romanov. Ibinigay niya sa akin ang address ng isang exclusive spa ang salon at sinabihan ako sa mga sasabihin ko. Susunduin din ako bukas ng isang sasakyan sa sinabi kong tagpuan.
Dumating ang tanghali kaya naghanda na ako. Sa parking lot sa isang mall ako nagpasundo. Isang mamahalin na kotse ang tumigil sa harap ko at lumabas ang isang magandang babae.
"Ms. Villegas?" ang nakangiting tanong nito.
Humigpit ang kapit ko sa strap ng backpack bago sumagot. "Oo."
Inilahad nito ang palad sa akin.
"I'm Angel Edillo, one of the assistants of Mr. Romanov Sloba. I'm tasked to take you out for today, ma'am."
Matamlay na inabot ko ang kamay nito at namula. Hindi ko akalaing may paganito pa.
Nang nakasakay na kami sa tinted na sasakyan ay doon na niya ako binigyan ng briefing tungkol sa mga mangyayari ngayong araw.
"Ma'am, we will first go to an exclusive spa and salon for your hair and body pampering then we'll go to a nail salon, dental clinic, and in a department store for your clothes. I would also like to inform you that Mr. Sloba will meet you two days from now."
Tango lang ako ng tango sa mga pinagsasabi nito. Nakakahilo kung ilan pang mga pangalan ng establishments ang binanggit nitong pupuntahan nila.
Una naming pinuntahan ang sinasabi nitong salon at kulang na lang ay manliit ako sa mga nakakasabayang mga kliyente. May artista, asawa ng pulitiko—lahat mga mayayaman tingnan sa kutis at damit maliban na lang sa akin.
Sinalubong kami ng mismong general manager ng lugar at hiningi ang impormasyon ko.
"Si Mr. X ang nagpadala sa akin dito," ang mahina kong bulong sa babae na nagliwanag bigla ang mukha sa narinig.
"Yes, of course ma'am. This way, please."
Tiningnan ko si Angel na nginitian lang ako.
"I'll be staying at the lounge Ms. Villegas."
Tinanguan ko ito at sumunod na sa babae.
"Mr. X is our beloved benefactor, ma'am so we will do our best to give you the most excellent service. Enjoy your stay here, maam."
Dinala niya ako sa isang silid kung saan may naghihintay ng isang masseur. Pinaghubad nila ako at pinagsuot ng robe bago ako nahiga at sinimulang masahiin. Ang sumunod na ginawa nila sa akin ay iyong mga nakikita ko lang sa television. May nilagay silang kung ano-ano sa katawan ko—oil at cream saka may mga kung anong machine na pinagkukuskos sila sa katawan ko. Nang matapos ay inayos nila ang buhok ko. Kinulayan nang kaunti na inabot din ng ilang oras. Nang matapos kami ay dinala nila ako sa isa pang silid para magbihis.
"Mr. X prepared a gift for you, ma'am," sabi ng manager at itinuro ang isang paper bag na nasa isang silya sa gitna ng magarang ayos ng room.
"I'll leave you for a while, ma'am."
Nagbuntunghininga ako nang mapag-isa na ako. So ganito pala ang buhay ng mga mayayaman. Palaging may nakasunod na tagasilbi.
Binuksan ko ang paper bag at kinuha ang laman. Isang kulay yellow na sundress na hanggang itaas ng tuhod ko ang haba. May kapares itong leather brown sandals na may tatak ng sikat na signature brand. Sa huling laman ng bag ako namula. Isang pares ng panloob na kulay white.
"Pati underwear ko ba ay kailangang siya rin ang pumili? May something ba sa fetish niya?"
Nagkibit-balikat na nagbihis na ako at lumabas. Medyo nagulat pa ako nang malamang hinihintay ako ng mismong manager.
"I hoped you enjoyed your stay for today, ma'am. Kung hindi po kalabisan ay sana maipaabot niyo po kay Mr. X ang maganda po niyong karanasan dito." Ngumiti ito sa akin at bahagyang yumuko.
"Ah, sure. Sasabihin ko sa kaniya."
Pagkabalik namin ni Angel sa sasakyan ay nagulat pa ako nang malamang madilim na sa labas.
"Hala! Gabi na pala. Nakakain ka na ba?" nag-aalala kong tanong sa babae.
"Don't worry about me, Ms. Villegas. I'm done eating. Kayo po, saan niyo po gustong kumain? Any particular type of cuisine you want to eat?"
Mahigpit akong umiling. "Naku, huwag na. Busog pa ako. Pinakain nila ako sa loob."
"Good to know, Ms. but I'll take out food for you in case. Will that be okay?"
"Sige. Okay lang."
Ang sumunod naming pinuntahan ay nail center na na-enjoy ko naman dahil sa iba't ibang available na designs. Ang panghuli naming destinasyon ay ang department store ng isang kilalang mall.
"Bakit wala ng tao?" Tumingin ako sa oras sa cellphone. "8 palang. Usually nagsasara sila sa mga 10. Bakit?"
Nginitian lang ako nito bago iginiya sa malawak na fitting room.
"As per Mr. Sloba's instruction, we need to get your body measurements for the clothes he will send you."
"Send me? Hindi ba ako ang pipili..." Natigilan ako nang maalala ang sinabi niya.
"Second, I want your body to always be prepared. You will have a membership in salons to take care of you. Sa mga araw na magkikita tayo ay ako mismo ang pipili ng isusuot mo, ng mga pabango mo, at kung anong kulay ng buhok ang gusto ko para sa iyo. I own you on those days and nights and I'm paying, always remember that."
Muntik ko nang makalimutan na kahit ang karapatan kong pumili ng mga bagay ay binili na nito.
"Sorry, nakalimutan ko."
Matapos ang tatlong oras ay nakabalik na kami sa sasakyan na napuno ng napakaraming shopping bags. Si Angel na ang namili ng lahat ayon daw sa tabas at kulay na gusto ni Romanov.
"Angel. Ahh, hindi ako pwedeng umuwi sa bahay nang ganito at bitbit ang lahat ng ito. Pwede bang sa iyo muna ang mga gamit na ito?"
"No worries, Ms. Villegas. Mr. Sloba has already prepared a condo unit for you. Kung gusto niyo po ay doon na kayo magpalipas ng gabi. Ibibigay ko na po sa inyo ang key card."
"Condo unit." Napapikit ako. "Pati iyon ay naisip pa niya. Sige. Doon na muna ako tutuloy ngayon."
"Copy, Ms. Villegas. Doon ko na rin po kayo susunduin bukas. We'll meet again tomorrow, ma'am."
Napamulagat ako. "Bukas na naman? Pero may klase pa ako buong araw bukas."
"I'm sorry that I have forgotten to tell you that Mr. Sloba already transferred you to a new university. I will produce your schedule for you as soon as possible."
Napaawang ako sa narinig. Ganoon niya ako kabilis nailipat?
"Ganoon ba. Sige, hihintayin ko na lang ang schedule ko. Angel, may tanong pa ako. Alam ba ni Roma... I mean ni Mr. Sloba ang..." Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin sa labas. "Di bale na lang."
Kinagabihan, habang nakatitig ako sa mamahaling lamp shade sa bedside table ng fully furnished na condo unit sa isang high-rise residential building ay nakatanggap ako ng text mula sa isa na namang unregistered number.
"Let's meet. Sunday. 9 pm. Wear everything I will send you."
Binitawan ko ang cellphone at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
Kailangan ko nang ihanda ang sarili. Tama.