10

2086 Words
Kung inaakala niyang maapektuhan ako ng sinabi niya ay nagkakamali ito. “Alam ko. At tanggap ko iyon. Wala namang kompetisyon sa aming dalawa dahil alam ko ang lugar ko. At kung gusto mo akong saktan kaya sinabi mo iyon, sinasabi ko na sa iyong hindi ako nasasaktan dahil wala naman tayong iba pang relasyon. Pasensiya na kung mukhang iba ang dating sa iyo ng pagkakaibigan na inaalok ko. Gusto ko lang talagang maging komportable sa iyo, Romanov.” Hindi natuloy ang tuluyan nitong pagpasok sa banyo. Hinarap niya ako at matagal na tinitigan. “I can never be friends with you, Rune. That’s my personal rule to my women. But… I can consider being your mentor. And I must admit, you are the first of them who asked for that.” Binuksan nito ang pinto. “You can leave after you eat the food I have delivered.” Pinagbagsakan niya ako ng pinto kaya wala na akong nagawa kundi bumalik sa kama. Nagbihis ako matapos ang ilang minutong pagkatulala saka hinintay ang sinasabi nitong pagkain. Nang hindi pa dumating ay nagpasya na akong umalis matapos ayusin ang sarili. Kahit iinot-inot na ako dahil sa sakit ng katawan dulot ng mga ginawa namin at nagkandapilipit na ako sa sakit ng mga paa dahil sa high heels ay taas-noo pa rin akong naglakad sa hallway papunta sa private elevator. Pagbaba ay naghihintay na sa akin ang kotse na maghahatid sa akin sa condo. Pag-uwi ay kaagad akong naligo at maingat na sinabon ang sarili. Paglabas ay kakarating lang ng inorder kong pagkain. Pagkatapos magpahinga ay tinawagan ko si Cordata para ibalita rito ang mga pangyayari. “Ano na? Pumasok ba?” agad na tanong nito. Natawa ako nang mahina sabay sandal sa sofa. “Pasok na pasok. Mission success.” “Ay! Good news!” tili nito. “Sa wakas! Ano, masarap ba? Magaling ba si Mr. X?” Namula ako sa narinig at hindi maiwasang maalala ang mga maiinit na tagpo kanina. “Okay lang. Ano… hindi ko alam. Wala akong mapagkomparahan. Medyo masakit pero kinaya ko.” “Mas sasarap na iyan kalaunan. Ang guwapo niya kaya gaganahan ka rin. O sya, baba ko muna Rune at may incoming na tawag ako.” Matapos magpaalam sa kaibigan ay pumikit ako pero imbes na kapanatagan ang matagpuan ay ang mukha ng pawisang si Romanov ang bumulagta sa akin. Agad akong dumilat at bumangon at tinakbo ang ref para uminom ng tubig. Bumalik ako sa sofa at sinubukan uling matulog pero mukha niya uli ang nakita ko. Hindi lang bastang pawisang mukha niya kundi iyong mukha niya kanina na pawisan habang gumagalaw sa ibabaw ko. “Hala, ano bang nangyayari sa akin? Nagkakagusto na ba ako sa kaniya?” Umiling ako at binuksan ang mga pagkain mula sa isang kilalang fasfood resto. “Hindi pwede. Nagustuhan ko lang ang mga ginawa niya sa akin. Iyon lang.” Kumuha ako ng isang piraso ng manok at kumagat. “Dapat matuto akong ihiwalay ang feelings ko sa trabaho. Trabaho lang dapat ang turing ko sa kaniya at sa mga ginagawa namin. Hindi na dapat lumampas pa doon dahil delikado ako.” Matapos kumain ay naghanda na ako para bukas dahil uuwi ako sa bahay at pupunta sa ospital para sa operasyon ni papa kaso may problema akong kinakaharap. Papaano ako babalik sa dating ako? Papaano ko ibabalik ang buhok sa dati at ang mga kuko ko. Baka maghinala ang mga kapatid ko kung bakit ako biglang kuminis. Napaka-observant pa naman ni Kendrick. “Kaya mo iyan, Rune. Dito pa lang magsisimula ang lahat. Kayanin mo. kailangang kayanin mo,” pampalakas ko ng loob sa sarili. Inihanda ko na ang mga gamit para bukas. Ginupit ko rin ang mataas na kuko at inalis ang nail polish. Bago matulog ay ipinanalangin ko ang kaligtasan ng aking ama. Ironic kung iisipin para sa isang tulad ko ang ginagawa pero wala na akong magagawa pa. “ATE!” Sinugod ako ng yakap ng bunsong kapatid na si Dendrick nang makarating ako sa labas ng operating room. Kasalukuyang nakasalang sa operating table ang ama. Tumugon ako ng yakap at sinapo ang mukha nito. “Ang kuya mo? Saan?” Inakay ko siya pabalik sa upuan at inakbayan. “Magpapahangin daw sa labas, ate. Parang mahihimatay daw kasi siya dito sa kahihintay.” Napangiti ako sa sinabi nito. Maton lang tingnan si Kendrick pero ang rami nitong mga kinatatakutan noong bata na nadala nito sa paglaki hanggang ngayon. “Naging maayos ba ang ilang araw niyo rito? Pasensiya na at hindi ako nakakabisita. Marami lang talagang kailangang asikasuhin sa university.” Inakbayan ako ng kapatid. “Wag kang mag-alala sa amin, ate. Maayos kami rito. Nagrerelyebo lang kaming dalawa ni kuya.” Ginulo ko ang buhok nito saka pinahiga sa mga hita niya. Nakikita niya sa mukha nito na wala pa itong tulog. “Sige ba. Matulog ka na. Ako na ang magbabantay.” Ilang saglit pa nga ay nakatulog na ang kapatid. Sinuklay ko ang buhok nito bago iginala ang paningin sa loob ng pribado at magarang ospital. May private room na rin na nakalaan para sa ama. Kaninang bago ako umalis sa condo ay tinawagan ako ni Angel para sabihing settled na lahat ng bills ng ama. Mismong si Romanov pa raw ang kumausap sa surgeon na nag-oopera kay papa. Kaya kahit kinakabahan ako ay panatag akong magiging okay si papa. Makakaligtas ito dahil ibinigay ni Romanov ang lahat para rito. “Kaya hinding-hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko, Den,” mahinang saad ko sa natutulog na kapatid. “Gagawin ko ang lahat para sa inyo kahit ano pa iyon. Handang-handa ang ate niyo sa lahat.” Ilang oras pa akong naghintay bago lumabas ang doktor. Agad kong ginising ang kapatid at tumayo para salubungin ito. “Doc, kamusta po ang ama namin? Kamusta po ang operasyon? Ligtas po ba siya?” sunud-sunod na tanong ko habang mahigpit na nakakapit sa kamay ni Dendrick. Ngumiti ang doktor sa amin. “Don’t worry. He will be alright. The operation is successful. We will transfer him to recovery room.” Parang bumuka ang langit sa balitang natanggap ko. Kahit confident naman ako na makakaligtas ang ama ay iba pa rin iyong nannggaling mismo sa bibig ng isang eksperto. “Ate, ligtas na si papa. Ligtas na si papa,” ang masayang bulalas ng kapatid na niyakap ako. Hinagod ko ang likod nito saka hindi napigilang maluha sa lubos na galak. “Thank you po, doc. Thank you very much,” ang paulit-ulit na usal ko sa nakangiting doktor bago ito nagpaalam sa amin. Hinarap namin ang isa’t isa at muling nagyakapan. “Den, pakihanap ang kuya mo at may tatawagan lang ako, ha.” “Sige, te.” Tumakbo na ito sa labas habang kinuha ko naman ang cellphone at walang pag-aalinlangan na tinawagan ang numero ni Romanov. Suminghot muna ako at naupo sa silya habang hinihintay na sagutin nito. Out of coverage area. Inulit ko ang tawag. Nag-ring ito pero pinatayan lang ako. Sa sunod ko na tawag ay may isang text akong natanggap. I told you already not to call me. I’ll call you. Maya-maya pa ay tumatawag na nga ito sa akin. “Salamat, Romanov. Thank you. Arigatou. Thank you talaga.” Napahikbi ako. “Ligtas na ang ama ko. Iniligtas mo siya sa tiyak na kapahamakan. Thank you talaga. Walang hanggan ang pasasalamat ko sa iyo. Tatanawin ko itong napakalaking utang na loob sa buong buhay ko, Romanov.” Hindi niya ako sinagot pero alam kong nakikinig lang ito base sa naririnig kong paghinga sa linya. “Sorry talaga sa mga nasabi ko kanina. Patawarin mo sana ako. Hindi na kita kakaibiganin. Okay lang din kung hindi mo i-consider ang pagiging mentor mo sa akin. Walang problema. At… gagawin ko ang lahat ayon sa kasunduan natin. Lahat iyon at gagalingan ko.” Bumuntunghininga ito bago nagsalita. “I didn’t save your father, Rune. You save him.” Pinatay na nito ang tawag. Pinunasan ko naman ang mga luha sa mukha at tinakbo ang direksiyon na pinuntahan ng bunsong kapatid. Sa entrance ay nakasalubong ko si Kendrick na namumula ang mga mata. Agad kaming nagyakapan habang nag-iiyakan. “Ken, ligtas na si papa.” Tango lang ito ng tango sa bisig ko. “Salamat, ate. Salamat sa lahat ng sakripisyo mo,” pautal-utal na wika nito. Napatawa ako. “Salamat sa inyo, sa ating lahat. Tara, antayin na lang natin si papa sa kwarto. Kailangan niyo nang matulog at mukha na kayong mga zombie.” Magkapanabay kaming napahalakhak saka sama-samang pumihit para magpunta sa silid. MABILIS na lumipas ang araw at linggo. Naiuwi rin namin kalaunan si papa sa bahay. Nagbalik din kaagad ako sa condo gaya ng instruction ni Romanov. Katakot-takot na rason pa ang ibinigay ko kay Kendrick para lang makumbinsi ko siyang nagtatrabaho ako ng stay-in. Lately ay palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa malayo at maraming iniisip. Sinubukan kong paaminin pero wala akong napiga. Balik pag-aaral at pagpapaganda na naman ang inatupag ko sa loob ng ilang araw. Kahit walang message mula kay Romanov ay dapat palagi akong handa. Hindi ko na inulit ang isang beses ko na paglabag ko sa kasunduan naming dalawa. Sumumpa akong susundin ang lahat ng sasabihin niya dahil iyon naman ang dapat. Bayad ako. Tuldok. “Ang ganda talaga niya sa personal, no. At ang lambing magsalita. Napakalumanay at ang kutis, napakapino! Parang dalaga pa. Wala pa silang anak ni Sir Sloba?” Napatigil ako sa pagkalikot ng cellphone nang maulinigan ang usapan ng dalawang babaeng personnel na kasama ko sa elevator. Pabalik na ako sa condo dala ang ilang bags ng groceries na binili ko sa katapat na convenience store. “Wala pa silang anak ni Sir Romanov. Matagal na nga silang mag-asawa pero wala pa ata sa plano,” sagot naman ng isa. “Hala, sayang naman ang genes ng dalawa kung walang mabubuo. Hindi kaya dahil may problema silang mag-asawa? Ang hirap kasing paniwalaan na sa sobrang ganda ni ma’am eh wala pang panganay.” Napayuko ako ng ulo sa mga narininig. Kung pwede lang na mas pabilisin pa ang takbo ng elevator ay baka ginawa ko na. “Hindi kaya may involve na third party? Baka nangangaliwa si sir?” sapantaha ng isa pa. Muntik ko nang mailuwa ang nginunguyang gum. Napahalakhak ang isang babae sa tinuran ng kasama. “Anong third party third party? Ang labo! Hindi kayang palitan ni sir ng kahit na sinong babae si Ma’am Tatiana. Napakaganda, napakatalino, napakabait, at galing sa isang kilalang pamilya. Baliw na lang siguro ang maghahanap ng iba kung si ma’am ang asawa mo.” Tama nga naman. Baliw ang isang tulad ni Romanov para maghanap ng ibang pupuno sa mga pangangailangan nito gayong alam naman nito sa sarili na mahal na mahal na mahal nito ang asawa. “Hindi natin alam, Marie. Iba ang isip ng mga lalake. Kahit siya pa ang Miss Universe eh kung nagsawa ka na ay papalitan mo na talaga. Napakayaman ni Sir Romanov. Bilyonaryo. Kayang-kaya niyang gawin ang lahat.” Bumukas ang pinto at may mga pumasok. Biglang nanahimik ang dalawa at binati ang kakapasok lang. Nanatili lang akong nakayuko habang parang sirang plaka na nagpe-play sa utak ang mga narinig. Kung iisipin mo talaga, parang wala namang masyadong mabigat na dahilan si Romanov para kumuha pa ng babae sa kama gayong ang ganda at ang sexy ng asawa nito. Gusto nito ay rough s*x? Meron namang mga s*x experts na pwede silang komunsulta. Alam kong may mas malalim pa na dahilan kaya nagkakasala si Romanov sa asawa. Hindi kaya ay rocky talaga ang relasyon ng dalawa? At baka malapit na silang maghiwalay. “Have a good day, everyone. Be safe, always,” ani ng isang mahina at napakalambing na boses nang bumukas ang elevator. Nag-angat ako ng tingin at muntikan ng mahimatay nang makaharap ko mismo si Clarisse Sloba, ang legal wife ni Romanov. Napasandal ako, mahigpit ang hawak sa mga bags nang dumako sa akin ang paningin niya at binigyan ako ng isang ngiti bago lumabas kasama ang lahat ng mga tao sa elevator. Nang sumara pabalik ang pinto ay napasalampak ako ng upo sa malamig na sahig. Bigla akong na-guilty na ewan. Nginitian pa niya ako. Nginitian niya ang taong kasama ng asawa niyang nagtataksil sa likod nito. Nanlamig ang mga palad ko at lumakas ang kabog ng dibdib. Ganito pala ang pakiramdam ng isang kept woman, ng isang kabit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD