DUMATING ang Sabado. Magsisimula ang event ng bandang alas-otso kaya alas-sais pa lang ay gumayak na ako. Simpleng pink na dress na may konserbatibong tabas ang napili kong suotin. Habang nag-a-apply ng make-up ay hindi ko maiwasang tumitig sa salamin. Sa loob ng apat na taon ay para pa ring walang nagbago sa mukha ko. Ganoon pa rin. Maganda pa rin at mala-beauty queen ang features ko. Pumayat nga lang ako kaunti dahil sa stress sa trabaho. Pinutol ko rin ang mahabang buhok. Ngayon ay hanggang balikat na lang ito. “Bakit pa ba ako nagpapaganda? Aalis din naman ako kaagad. Ihahatid ko lang si Claire para makapasok siya sa loob.” Inilugay ko ang buhok at handa na sanang umalis kung hindi ko nga lang nakita ang sarili sa repleksiyon sa salamin na mukhang yagit. Bumuntunghinga ako at naghub