“I really thought you won’t be coming here but I am really glad you did.” Uminom muna ako sa hawak na kopita bago ngumiti kay Edmund. Mag-i-isang oras na rin kaming nakaupo at nagkukuwentuhan habang nakatingin sa mga nagkakasayahang mga tao sa bulwagan. Inabandona ko muna ang unang plano na umalis. Kapag nakita ko si Claire ay hudyat na iyon para umuwi na. “Akala ko rin talaga. Sabi ko naman sa iyo, gusto ng kaibigan ko na samahan ko siya kaya umoo ako.” “Kung sinuman iyang kaibigan mo, I owe her a thank you.” Sumandal si Edmund sa upuan at tinitigan lang ako. “I really miss you, Rune.” “Edmund, please. Wag mo na iyong banggitin pa kung ayaw mong maging awkward ang ere sa pagitan nating dalawa.” “Of course, Rune. I’m sorry if I’m making you uncomfortable.” Tumayo ito at may kinawayan