Isang linggo na ang nakakaraan pagkatapos ng reunion pero hindi pa rin ako nakaka-recover sa mga sinabi sa akin ni Romanov. Klaro sa akin ang gusto niyang ipahiwatig. He wants me back. Pero nalilito ako kung bakit. Wala itong binanggit na panibagong kontrata o ano. Gusto niya lang uling makipagkita sa akin. Naninibago ako sa kaniya kasi wala nang bakas ng istrikto at dominanteng lalake na nakilala ko noon. Nagpatuloy ang buhay kahit hindi siya nawala sa isip ko. Busy rin ako sa pag-alalay kay Claire na palagi na lang tulala simula nang matapos ang party. Nauna na akong umuwi sa kaniya noon. Pagka-Lunes ay doon ko pa lang nakita ang pagbabago sa kaibigan. Palagi na itong tulala at hindi makausap nang maayos magmula noon. “Claire,” tawag ko sa kaibigan na nakatulala na naman at nakatunga