Kinabukasan ay nagpunta ako sa mismong pinag-oopisinahan ni Romanov. Hindi ako sigurado kung nandoon ba siya pero nagbabakasakali lang ako. Tinanong ko sa information desk kung nandito ba si Romanov. Nagtanong ang clerk kung may appointment ba ako. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang nandito nga ito. “I have no appointment but please tell him it’s Rune Villegas. It’s emergency and I really need to talk to him.” Sana tama nga ako sa iniisip na interesado pa siya sa akin. Pruweba ko ang sinabi niya sa akin sa party. “Ms. Rune, please proceed to the 13th floor. Mr. Romanov Sloba will see you," wika sa akin ng babae sa laking tuwa ko. Nagpasalamat ako sa attendant saka naglakad papunta sa elevator. Habang papataas ang sasakyan ay isinaulo ko ang mga sasabihin dito. Ihahayag ko ang l