Hindi ko na hinintay na makasagot ito. Tumakbo ako papunta sa pinto, binuksan, at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na napansin ang nagtatakang mukha ni Clarisse Sloba na kakalabas lang sa elevator. Naghagdan ako hanggang sa 10th floor para makapag-isip at payapain ang nagririgodong puso. Pagdating ng 9th floor ay sumakay na ako sa elevator. Naiiyak pa rin ako pero mas kaya ko nang kontrolin ang sariling emosyon. Nagpupuyos ako sa galit. Sino ba siya para igiit ang gusto nito sa akin? Porket ginawa na niya noon sa akin ay may karapatan na siyang ulitin? Gusto niyang magkaanak sa akin? Gagawin niya akong baby maker niya? Nababaliw ba siya? Dahil ayaw ng kaniyang asawa na magkaanak ay ipapasa niya sa akin ang responsibilidad nito? Kahindik-hindik na pag-iisip! Paglabas ko ng building ay s