Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan at nagsimulang tumugtog ang bridal choir. Isang napaka-intimate na church wedding ang hiniling ko kay Romanov kasama ang pamilya at napakapiling kaibigan. Sa una ay tumutol ito. Gusto niya raw ibigay sa akin ang pinakabonggang kasal pero ako ang umayaw. Aanhin ko iyan kung ang mas gusto ko ay iyong iilan lang ang makaka-witness. Pero hindi naging hadlang iyon para gawin nitong napakamamahalin ang buong event na pinagkagastahan nito ng milyon-milyon. Wala ni anumang naging leak sa media dahil na rin sa mahigpit na news blockage nito. Sa iilang buwan na nakalipas ay masasabi kong naging pinakamasaya ako sa buong buhay ko. Unti-unti ay nakita ko ang pagkakasundo ng mga kapatid ko kay Rom. Malusog na lumalaki si Bin-Bin at walang araw na hindi ko n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books