"Bakit mo ako gustong makausap? 'Di ba sinabi ko na sa iyo na kahit kailan ay hindi kita itinuring na kaibigan?" maanghang na wika ni Claire nang makaharap ko siya sa resto. Tinawagan ko siya para magkita kami para mag-usap sa huling pagkakataon. "Ikaw lang iyon, Claire. Itinuring kitang kaibigan kahit na ano pa man ang sabihin mo." Umismid ito. "Ahh, alam ko na kung ano itong ginagawa mo. Ano, gusto mong ipamukha sa akin na nasa taas ka na tapos narito pa rin ako sa baba nakakapit sa lalaking malabo akong mahalin? Well, you're right but I don't need your pity." Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Kinakaawaan kita hindi lang bilang isang babae kundi bilang isang ina na rin. 'Wag mong hayaan na makita ng lumalaki mong anak kung paano ka tratuhin ni Edmund. He's not that worth it." I