Nang bumalik ang mag-asawa sa mesa ay ako naman ang nagpaalam para pumunta sa banyo. Naghugas lang ako ng kamay at tinitigan ang reflection sa salamin. Humuhupa na ang nerbiyos ko kanina salamat sa pagdating ni Edmund. Hindi ako masaya sa ginagawa kong panggagamit sa binata ngayon pero wala na akong choice. Gusto kong ipakita kay Romanov na hindi niya ako makokontrol. May sarili akong utak kaya magdedesisyon ako sa kung ano ang gusto ko. Kung pwede nga lamang na ma-apply ko rin iyon sa kasalukuyan kong sitwasyon sa kanya kaso may hawak siyang pang-blackmail sa akin. Pinunanasan ko ang mga kamay. Paglabas ko ay magpapaalam na ako sa kanila. Kinuha ko na ang bag at palabas na sana nang makita ko ang biglang pagpasok ni Romanov at ang paghila niya sa akin at isinadlak ako sa dingding. Madi