Mabilis na isinarado ni Ken ang pinto at hinarap kami. “Sa likod kayo dumaan. May maliit na eskinita doon.” Tumalima kaming dalawa ni Romanov pero huli na kami. May nakaabang na rin doon na mga reporters kaya bumalik na lang kami sa bahay. “Paano na iyan? Ano na ang gagawin natin?” Nangingilid na ang luha ko dahil sa takot. “Rune, relax.” Hinawakan ako ni Romanov sa baba at nginitian. “They can’t do something to you because I am here. We’re here to protect you. Makabubuti kung pumasok ka muna sa silid mo. Let me handle this.” Mas nag-panic ako nang nagtungo ito sa pinto kaya hinabol ko siya. “Ano ang gagawin mo, Rom?” “Relax. Go to your room and stop worrying about me. Haharapin ko sila. I’m used to it so don’t worry.” Tumingin ito kay Ken na nakuha ang ibig nitong sabihin. Mainga